Balita

Ritz at Pepe, patok sa sexy comedy

- Ni REGGEE BONOAN

ANG galing pala talaga ni Pepe Herrera sa comedy. Effortless at hindi kami nakornihan o na-bore sa pagpapataw­a niya. Maganda ang tandem nilang tatlo nina Nikko Tuazon at Baby Ted bilang magkakaibi­gang bell boys at valet parking attendant sa The Manila Hotel, sa pelikulang The Hopeful Romantic.

Totoo ang sinabi ni Direk Topel Lee na hindi siya nahirapang idirek ang cast niya, dahil ang gagaling nilang magbitaw ng jokes.

Si Ritz Azul, bilang tagasagot sa mga patawa ni Pepe, ay okay na rin since first movie nila pareho ito, kaya there’s still a room for improvemen­t sa aktres.

Tawanan at hagikgikan ang lahat nang nanood sa celebrity screening ng The Hopeful Romantic sa Trinoma Cinema 5 nitong Lunes nang gabi.

Maraming kuwela at pilyong eksena sa movie, dahil na-in love ang virgin at lagi lang nagpapanta­syang si Pepe sa liberated na si Ritz.

Nang unang makita ni Pepe si Ritz ay tulo laway siya at nagawa niyang magpanggap na mayaman para lang mapansin ng dalaga, na kilala sa The Manila Hotel dahil iba-ibang lalaki ang ka-date.

Dahil sa pelikulang The Hopeful Romantic, na ang karamihang eksena ay sa loob ng The Manila Hotel, ay nalaman na ng mga hindi pa nakakarati­ng sa pamosong hotel kung ano ang hitsura ng loob ng oldest hotel sa Pilipinas. Ginawa ito noong 1909 at pormal na binuksan sa publiko kasabay ng American Independen­ce noong July 4, 1912. Ang kuwartong ginamit nina Ritz at Pepe, ang MacArthur Suite, ay may three bedrooms at ito ang naging tirahan ni General Douglas MacArthur sa panahong narito siya sa Pilipinas. Ang presyo raw ng nasabing suite ay P500,000. Pinakamaha­l naman ang Penthouse, dahil may sarili itong swimming pool, at matatagpua­n sa 18th floor na tanaw ang Rizal Park at Manila Bay. May eksena sa movie na pinasok din nina Pepe at Ritz ang Penthouse suite. Marami pang nakakatawa­ng eksenang ginawa sina Pepe at dalawa nitong kaibigan, pero ang pinakatuma­tak sa amin ay ang pangtulog ng binata na overall pajama na pambata. Masayang panoorin ang The Hopeful Romantic, na showing na ngayong araw, Setyembre 12, nationwide mula sa Regal Entertainm­ent.

 ??  ??
 ??  ?? Ritz at Pepe
Ritz at Pepe

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines