Balita

Bagong HIV cases, umabot sa 859; 30 namatay

- Mary Ann Santiago

Iniulat kahapon ng Department of Health (DoH) na nasa 30 apektado ng HIV/ AIDS sa bansa ang pumanaw noong Hulyo 2018.

Batay sa July 2018 HIV/AIDS & ART Registry of the Philippine­s, na inilabas ng National Epidemiolo­gy Center (NEC) ng DoH, may 859 na bagong kaso ng HIV/AIDS infection sa bansa sa nasabing buwan lang.

Sa 30 namatay sa naturang sakit ay 28 ang lalaki. Ang isa sa mga nasawi ay wala pang 15-anyos, habang tatlo ang nasa 15-24 anyos; 15 ang edad 25-34; siyam ang nasa 3549 anyos lang; at dalawa ang nasa 50 taong gulang pataas.

Sa ngayon, umaabot na sa 2,735 sa kabuuan ng may HIV/AIDS sa bansa ang namatay, simula noong Enero 1984 hanggang Hulyo 2018.

Sinabi naman ng DoH na sa 859 na bagong nahawahan ng HIV/AIDS, 193 ang nasa advanced infection na, 801 ang lalaki, at 58 ang babae.

Dalawa sa mga bagong nahawahan ay bata, o 15 anyos pababa; 240 ang nasa 15-24 age group; 430 ang edad 24-34; 164 ang nasa 35-40 anyos; at 23 ang 50 taong gulang pataas.

Pito sa mga bagong nahawahan ay buntis nang matuklasan­g may sakit sila, kabilang ang apat na taga-Metro Manila, at at tig-iisa sa Regions 1, 7 at 11.

Pinakamara­ming naitalang bagong kaso ng sakit sa NCR, na umabot sa 31 porsiyento sa kabuuang 264 na kaso.

Nananatili namang ang pakikipagt­alik ang predominan­t mode ng transmissi­on ng sakit sa 98% o 841 kaso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines