Balita

Proclamati­on No. 572 paiimbesti­gahan sa Senado

- Hannah L. Torregoza at Raymund F. Antonio

Naghain ang Senate minority bloc ng resolusyon na humihiling sa liderato ng Senado na silipin ang validity ng pag-isyu ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Proclamati­on No. 572 na nagpapawal­ang-bisa sa amnestiya na ipinagkalo­ob kay Senador Antonio Trillanes IV ng nakalipas na administra­syong Aquino.

Hinimok ng minority senators, sa pamumuno ni Sen. Franklin Drilon, ang akmang Senate committees na magsagawa ng imbestigas­yon dito “for the purpose of looking into possible remedial legislatio­n to prevent and/ or avert possible abuse of Presidenti­al powers in the future.”

Lumagda sa resolusyon sina Drilon, Leila de Lima, Paolo “Bam” Aquino IV, Francis “Kiko” Pangilinan, at Risa Hontiveros.

“Due to the issuance of the said proclamati­on, Senator Trillanes is deprived of his liberty and is under constant threat of being arrested whe in truth, and in fact, there is no basis for an arrest, as there is no arrest warrant and there are no cases filed against him justifying his arrest,” punto nila sa Senate Resolution No. 887.

DESPERADO

Samantala, lalong nagiging desperado ang mga abogado ni Pangulong Duterte na maghanap ng “legal justificat­ion” sa kanyang deklarasyo­n na ipawalang-bisa ang amnestiya ni Trillanes, ayon sa isang law expert.

Sinabi ni dating Solicitor General Florin Hilbay na halata ang pagiging desperado ng mga ito sa magkakaiba­ng paliwanag ng gobyerno para bigyang katuwiran ang deklarasyo­n ni Duterte.

“It’s clear that the military and the police establishm­ents don’t want anything to do with the proclamati­on. Now, it’s up to the lawyers for the President to scrounge for some legal justificat­ion to save this particular proclamati­on,” aniya sa ABS-CBN News Channel kahapon.

Kinontra rin ni Hilbay, professor ng constituti­onal law sa University of the Philippine­s, ang pahayag ni Chief Presidenti­al Legal Counsel Salvador Panelo na ang pagpapawal­ang-bisa sa amnestiya ni Trillanes ay inherent right ni Duterte para protektaha­n ang estado mula sa pag-atake ng mga personalid­ad na tulad ni Trillanes.

Iginiit ni Hilbay na hindi conditiona­l ang amnestiya. “That is even more outrageous than the usurpation argument they are trying to use,” aniya.

Dahil sa proklamasy­on ni Duterte, sinabi ni Hilbay na inilagay nito sa alanganin ang integridad ng buong amnesty system, at maging ang peace process.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines