Balita

Mahigit 1M pinalilika­s sa Hurricane Florence

-

HOLDEN BEACH, N.C. (Reuters) – Lumalakas pa ang Hurricane Florence, ang pinakamala­kas na bagyong tatama sa Carolina coast sa loob ng halos tatlong dekada, at naging Category 4 hurricane nitong Lunes, nagbunsod ng paglikas ng mahigit 1 milyong katao sa matataas na lugar.

Sa maximum sustained winds na 140 miles per hour (220 kph), inaasahang lalakas pa ang Florence bago mag-landfall sa Huwebes, sinabi ng National Hurricane Center sa Miami.

Nababahala ang mga awtoridad sa potensiyal ng bagyo na magpakawal­a ng matagal at malakas na ulan at malawakang pagbaha sa ilang estado, lalo na kapag tumagal ito sa kalupaan sa loob ng ilang araw.

“Florence is expected to be an extremely dangerous major hurricane through Thursday,” sinabi ng NHC sa huling bulletin nito.

Ipinakita ng mapa ang trajectory ng bagyo na pinakamala­ki ang tsansang tatama ito sa North Carolina shore malapit sa South Carolina border, at maging pinakamala­kas na bagyong nagbabanta sa U.S. mainland ngayong taon, at una sa kanyang magnitude sa loob ng 29 taon na tumama sa Carolinas. Naglabas na ng emergency declaratio­ns ang mga governor sa dalawang estado, gayundin sa Virginia at Maryland.

“We are in the bull’s-eye,” ani North Carolina Governor Roy Cooper sa news conference.

Tinaya ni South Carolina Governor Henry McMaster na halos 1 milyong residente ang nasa ilalim ng kautusang lumikas sa coast ng kanyang estado. Iniutos ng North Carolina ang evacuation ng mahigit 50,000 katao mula sa Hatteras at Ocracoke, ang southernmo­st ng Outer Banks barrier islands nito.

Lumakas si Florence at naging malaking bagyo nitong Lunes ng umaga at muling tumaas sa Category 4 sa five-step Saffir-Simpson scale ng lakas ng bagyo pagsapit ng tanghali sa bilis ng hangin na umaabot sa 130 mph. Pagsapit ng gabi, ang sentro ng bagyo ay nasa 1,170 miles (1,880 km) sa east-southeast ng Cape Fear, North Carolina, ayon sa NHC.

Sinabi ni Virginia emergency operations chief, Jeffrey Stern, sa reporters na dapat maghanda ang mga residente “for something that no one in Virginia has experience­d in their lifetimes.”

Ang huling Category 4 na bagyong tumama sa Carolinas ay ang Hugo, na binayo ang Charleston, South Carolina, noong 1989.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines