Balita

R4.6-M marijuana nasamsam sa apartment

- Nina FER TABOY at JUN FABON

Arestado ang anim na drug suspects makaraang masamsaman ng P4.6 milyong halaga ng marijuana sa buy-bust operation sa isang apartment sa Cubao, Quezon City, iniulat kahapon.

Sa report ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar, kinilala ang mga suspek na sina Grenie Hierro y Encarnado, 34, katiwala ng apartment na No. 25, Room 713, Mary Grace Haven Apartment, Denver Street, Barangay Immaculate Conception, Cubao, Quezon City; Anthony John Timpug y David, 39, ng No. 016, Fortuna, Florida Blanca, Pampanga; Lassery Ann Rayo, 30, ng No. 25, Room 713, Mary Grace Haven Apartment, Denver St., Bgy. Immaculate Conception, Cubao, Quezon City; Archie Visperas y Ferreras, 20, ng 19th Avenue, Bgy. San Roque, Cubao, Quezon City; Randbel Clifford Venzon, 20, ng No. 219, Saint Rita St., Bgy. 186, Maricaban, Pasay City; at isang 16anyos, taga-Malibay, Pasay City.

Ayon kay Eleazar, may tumawag sa kanyang tanggapan at sinabing bagsakan ng kilu-kilong marijuana at iba pang ilegal na droga ang naturang apartment, dakong 10:00 ng gabi kamakalawa.

Agad na sumalakay ang mga operatiba ng Cubao Police at hindi na nakapalag ang mga suspek at idiniretso sa Cubao Police.

Aabot sa 35 kilo ng marijuana, mga pinatuyong dahon ng marijuana, drug parapherna­lia at buy-bust money ang nasamsam sa operasyon.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 11 at Sec 26 in relation to Sec. 5 batay sa Article II ng RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

 ?? MANNY LLANES ?? MARIJUANA SA APARTMENT Makikita sa larawan ang 35 kilo ng marijuana, na tinatayang nasa P4.6 milyon ang halaga, na nasamsam sa anim na katao sa isang apartment sa Cubao, Quezon City, kamakalawa.
MANNY LLANES MARIJUANA SA APARTMENT Makikita sa larawan ang 35 kilo ng marijuana, na tinatayang nasa P4.6 milyon ang halaga, na nasamsam sa anim na katao sa isang apartment sa Cubao, Quezon City, kamakalawa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines