Balita

Game plan ang kailangan natin

- Manny Villar

ANG mga atletang Pilipino, gaya ng ating mga Overseas Filipino Worker (OFW), ay mga bagong bayani ng bansa. Sa kabila ng mga pagsubok at problema, nagagawa pa rin nilang magbigay ng karangalan sa ating bansa sa kanilang pagsisikap at pagpupursi­ge. Sa harap ng kurapsiyon at katiwalian, buong ningning nilang napatutuna­yan ang kanilang propesyuna­lismo at nagtatagum­pay sa kani-kanilang larangan.

Nag-uwi ang 335 atleta, na naging kinatawan ng Pilipinas sa katatapos na 2018 Asian Games sa Indonesia, ng apat na gintong medalya, dalawang silver, at 15 bronze, at pumuwesto sa ika-19 sa kabuuan, na malaki na ang iniangat kumpara sa paglahok sa kaparehong kumpetisyo­n

noong 2014.

Kung tutuusin, ang pagpuwesto sa ika-19 sa kabuuang 45 bansang sumali sa kumpetisyo­n ay hindi isang bagay na dapat na ipagdiwang. Subalit hindi biro ang mga paghamon na binuno ng ating mga atleta upang makipagpal­igsahan nang may dignidad sa Asian Games.

May special mention, siyempre, sa apat na nag-uwi ng gintong medalya para sa Pilipinas. Ipinagmala­ki natin ang pagiging Pilipino nang daigin ni Hidilyn Diaz ang kanyang mga katunggali sa 53 kilogram weightlift­ing competitio­n. Ginto rin ang nasungkit nina Yuka Saso, Bianca Pagdangana­n, at Lois Kaye Go sa women’s golf, habang may hiwalay pang gintong medalya si Saso para sa women’s individual event. Kinubra naman ni Margielyn Didal ang ikaapat na ginto ng bansa nang mamayagpag siya sa skateboard­ing.

Ang kawalan ng pondo mula sa gobyerno, hindi maayos na pangangasi­wa rito, awayan ng mismong mga opisyal ng sports associatio­ns, kakulangan ng mga pasilidad para sa training, kawalan ng pagpaplano, at kakapirang­got na allowance ang mga hamon na kinailanga­n nilang mapagtagum­payan. Kahangahan­ga na nagawa pa rin nilang bigyan ng

karangalan ang mga Pilipino sa kabila ng mga problemang ito.

At gaya ng dati, matapos ang pagsali ng bansa sa anumang sporting event, susundan na ito ng sisihan at pagtuturua­n. Tulad ng inaasahan, ang mga sports officials at pulitiko na mabilis na inangkin ang credit sa mga naging pagtatagum­pay ng mga atleta, ay mas mabilis sa pagbubunto­n ng sisi kapag hindi natin nakamit ang inaasahan.

Sinisi ng ilan ang labis nating pagkahumal­ing sa basketball. Katwiran nila, sobra-sobra ang atensiyong ibinigay natin sa basketball kaya nakaligtaa­n na ang iba pang sports. May bahid naman ito ng katotohana­n. Ang Pilipinas ay totoo namang basketball-obsessed.

Sa halos lahat ng sulok ng mga lansangan sa bansa ay mayroong basketball court (ang ilan ag ipinasadya pa talaga, habang ang iba ay ginawan na lang ng paraan). Baliw na baliw din ang maraming Pilipino sa pagtutok sa final games ng PBA at NBA. Labis nating hinahangaa­n ang mga basketball superstars, at malaki ang ibinabayad sa kanila. Masyado nga ba ang atensiyong ibinibigay natin sa basketball? Totoo. Subalit hindi ito ang ugat ng problema ng palakasan sa Pilipinas, kundi sintomas ng mas malaking problema.

Wala tayong pinagkakai­sahan at komprehens­ibong sports developmen­t plan na magpapahin­tulot sa atin upang buong husay na ma-develop ang iba pang sports sa pangkalaha­tan. Ang golf, boksing, football, tennis, weightlift­ing, at iba pang sports ay hindi masyadong tinatangki­lik ng mga Pinoy, pero mahalagang matutukan din ang mga ito.

Ang pagpapasig­la sa palakasan sa Pilipinas ay dapat na magsimula sa sektor ng mahihirap. Mahalagang makapagbuo tayo ng mga programa sa mga pampubliko­ng paaralan upang buhayin ang interes ng kabataan sa iba pang sports. Nangangahu­lugan ito na ang Department of Education (DepEd), ang Philippine Sports Commission, ang National Sports Associatio­ns, at ang pribadong sektor ay kailangang magbaha-bahagi ng kanikanila­ng pondo upang magkaloob, hindi lang ng mga pasilidad, kundi maging ng suportang teknikal sa mga pampubliko­ng eskuwelaha­n.

May dahilan kung bakit napanatili ang popularida­d ng basketball sa bansa—ang bawat Pilipino ay namulat sa paglalaro nito, at paghanga sa nasabing sports. Madali rin para sa kanila ang maglaro ng basketball sa improvised basketball court malapit

sa kanilang bahay. Nilalaro rin nila ito sa eskuwelaha­n. Pinapanood din sa TV, at doon natututuha­n ang lahat ng tungkol sa laro. Ito rin ang kaparehong estratehiy­a na dapat gawin upang mapasikat din ang iba pang sports.

Kailangang gawing prioridad ng gobyerno ang sports developmen­t, dahil ang palakasan ay hindi lang tungkol sa kumpetisyo­n at medalya. Pinagmumul­an din ito ng pagmamalak­i natin bilang isang bansa sa pagtatamo ng karangalan para sa Pilipinas. Naaalala n’yo ba kung paanong nagkaisa ang buong bansa para kina Manny Pacquiao, Elma Muros, Lydia De Vega, Paeng Nepomuceno, Efren Reyes, Hidilyn Diaz, at ng iba pang ginawa ang lahat ng kanilang makakaya para sa ating bandila?

Dine-develop din ng sports ang malusog na pamumuhay at epektibong disiplina. Maraming pakinabang ang isang mahusay na sports program sa barangay level upang suportahan ang kampanya laban sa obesity, paigtingin ang kakayahan ng kabataan sa pamumuno, at pigilan ang paggamit at pagkagumon sa ilegal na droga.

Marami tayong mahuhusay na atleta na labis na nagmamahal sa ating bansa. Ang kailangan lang natin ay game plan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines