Balita

Mahusay si JM kaya laging nabibigyan ng chance—Vina Vina

- JM Regge Bonoan

SA nakaraang tsikahan with Vina Morales ay natanong siya kung sa palagay ba niya ay totoong may relasyon na sina JM De Guzman at Barbie Imperial, na kasama niya sa seryeng Araw Gabi.

Ang ganda ng ngiti ni Vina: “Hindi ko alam.”

Inisip naming baka may alam ang aktres at ayaw lang niyang ikuwento kung ano ang nakikita niya sa set ng Araw Gabi.

“Ay hindi ko talaga alam, wala talaga,” diin ni Vina.

Hind ba siya nagtanong? “Nahiya ako, eh. Si JM kasi very sweet ‘yan sa lahat ng co-actors niya, sweet siya. So, hindi ko alam kung sila ni Barbie. Hindi ko alam, ha,” natatawang sagot ng aktres.

“Nahuhuli ba ako sa balita? Hindi ko talaga alam. Kung sila, ‘di mas okay, ‘di ba?”

Bilib si Vina kay JM dahil kahit na ilang beses nang nawala sa telebisyon ang aktor dahil sa mga pinagdaana­ng personal na problema ay deserved pa rin itong makabalik sa showbiz.

“Ay, magaling (si JM). Kaya nabigyan ng maraming chance kasi magaling siya at saka mabait,” sabi ni Vina.

Ano naman ang impresyon niya kay Barbie?

“We never had a problem with her. Wala naman kaming problema. Sa nakikita naman namin, hindi naman siya pa-diva, I think na-in love lang siya,” nakangitin­g sabi ni Vina.

Sa edad na 42 ay nananatili­ng single si Vina. Inamin naman niya na sobrang nagiingat siya dahil ayaw niyang magkamali sa lalaking gusto niyang makasama sa buhay.

“May gustong ipa-date sa akin ang mga kaibigan ko. Pero recently, paano naman ako magde-date puyat.”

Sa palagay ba niya ay may forever sa online dating? “Oo naman.kasi I have friends, nag online. Ang daming nagkakatul­uyan actually I have two friends or three, ‘tapos yung isa magpapakas­al pa lang

Samantalan­g kahit wala pang tulog si Vina nang makausap namin sa pocket interview na ginanap sa Ystilo Salon Shoppesvil­le Greenhills ay gandang-ganda pa rin ang lahat ng makakita.

“Idinaan lang sa make-up, ha ha ha tugon sa amin.

Umabot na sa dalawang dekada ang Ystilo Salon ng magkakapat­id na Vina Sheila, Sheryl, at Shaina Magdayao kaya naman nagpapasal­amat sila sa lahat ng tumangkili­k sa kanilang salon.

At bilang pasasalama­t ay may inihandang promo discounts ang Ystilo Salon sa 18 branches nila nationwide, mula sa hair coloring at rebond 30% for standard and premium services (Sept 8-Oct 30); haircolor & rebond standard services 50% (Sept 18, 19 at 20); at hair treatment 20% (Sept 8 - Nov 30

May Ystilo salons sa Mall of Asia Shoppesvil­le Greenhills; SM City San Lazaro Festival Mall; Nepo Mall sa Dagupan City Tanauan City, Batangas; SM City tarlac; SM City Calamba; Robinson’s Place Abreeza Mall Davao; Iba, Zamba Pampanga; SM City Sta. Rosa Limketkai sa Cagayan de Oro City; One Place sa Balanga, Bataan; SM City Gen San Waltermart sa San Fernando,Pampanga City mall sa Koronadal; One Legazpi Place sa Tuguegarao; Island Citymall sa Bohol at Manaoag, Pangasinan. Magbubu sa Sta. Lucia, Cainta, at sa marquee Mall, Magbubukas din sila Dagupan City.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines