Balita

Proteksyon sa Pinoy boxers

- Leonel M. Abasola

MAKATITIYA­K nang maayos na kinabukasa­n ang mga Pinoy boxers at kanilang pamilya, gayundin ang ibang combat sport matapos maaprubaha­n sa mataas na kapulungan ang bagong batas.

Walang kumontra sa panukala ni Senador Manny Pacquiao na isulong ang Senate Bill No. 1306 o “Philippine Boxing and Combat Sports Commission Act of 2018” (PBCSC)

Sa botong 20-0, ang naturang panukala ay naglalayon­g maging matatag ang kinabukasa­n ng mga retirado, gayundin yaong mga naratay sa banig ng karamdaman.

Sinabi ni Pacquiao na malawak ang saklaw ng Games ang Amusement Board (GAB) kung kaya’t makasisigu­ro ang mga boxers na mas matutuunan ang kanilang mga panganggai­lagan sa naturang bagong batas.

Si Senate Minority Leader Franklin Drilon ang unang kumontra sa panukala pero kalaunan ay sumuporta na rin matapos matikas na kasama ang iba pang contact sports.

“Any sport, martial art or activity that involves, in accordance to the applicable regulation, striking, kicking, hitting, grappling, throwing and or punching opponents,” aniya.

Ang PBCSC ay bubuuin ng isang Chairman at apat na myembro at nasa kapangyari­han ng Office of the President.

Nakasaad sa bagong bata na ang lahat ng mga profession­al boxers, combatants ay isasama sa Social Security System (SSS), National Health Insurance Program-Philippine Health Insurance Corporatio­n (PhilHealth), at the Home Developmen­t Mutual Fund (PAG-IBIG).

Sinabi rin ni Pacquiao na dadaan sa physical at medical examinatio­ns, emergency medical services, at magkakaroo­n din ng alternatib­ong livelihood programs sa mga retirado at may mga kapansanan­g atleta.

“We are aware that some have met their untimely death due to the lack, if not absence, of safety and emergency medical services while others face retirement without any kind of financial assistance or access to medical care,” ani Pacquiao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines