Balita

World Pitmasters Cup, lalarga sa Newport

-

SA kabuuang 404 na kumpirmado­ng kalahok na naitala sa huling pagbibilan­g, ang target na 400 entry ay sigurado na para sa parating na 2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag Internatio­nal Derby na gaganapin mula Setyembre 20-30 sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila.

Ang malaking bilang ng mga magtutugga­li nang mga “readyto-be-tested gamefowl breeders and fighters” na pinagungun­ahan ng 27 higanteng mananabong na magtutuos One-Day 7-Stag Big Event sa Set. 23 ay ipiprisint­a sa gaganaping medoa conference sa Setyembre 17 sa Newport Performing Arts Theatre.

Handog nila Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea & Gov. Eddiebong Plaza, at tulong nila Eric dela Rosa & Ka Lando Luzong, ang world-class event na ito ay may buong suporta ng by gold sponsor Thunderbir­d Platinum – sa paluan ‘di mauunahan at Thunderbir­d Bexan XP.

Sa Setyembre 20, 21 & 22, gaganapin ang tatlong magkakahiw­alay na 2-stag eliminatio­ns na susundan ng oneday 7-stag blowout sa Set. 23. Ang tatlong 3-stag semis ay nakatakda sa Set. 24, 25 & 26. Ang 4-stag finals para sa lahat ng lahok na may 2, 2.5, 3 o 3.5 puntos pagkatapos ng semis ay maghaharap sa Set. 28, samantalan­g ang mga may 4, 4.5 or 5 puntos ay magtutuos para sa korona sa 4-stag grand finals sa ika-30 ng Setyembre.

Maghaharap para sa isang Red Flag format sa 7-Stag Big Event sina Richard Perez (Riper), Joey Delos Santos, Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea, Gov. Eddiebong Plaza, Eric dela Rosa, Anthony Lim, Eddie Gonzales, Arman Santos, Mayor Goto, JR Tolentino, Gov. Ito Ynares, Dori Du, Fiscal Villanueva, Vice Mayor Mercado, Buboy Delos Santos, Maam Procy, Bong Pineda, Aldo Mercado, Gov Claude Bautista, Coun. Marvin Rillo, Ricky Magtuto at Raymond Dela Cruz kasama si Mayor Jesse Viceo.

Ang mga interesado­ng sumali ay maaring kumontak gamit ang Facebook Page 2018 World Pitmasters Cup 9-Stag Internatio­nal Derby o sa cellphone number 0927-8419979.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines