Balita

PTT Run, aayuda sa PTT Foundation

-

BILANG bahagi ng Corporate Social Responsibi­lity, ipagkakalo­ob ng PTT Run for Clean Energy Year 2 ang bahagi ng entry fee sa PTT Philippine Foundation upang magamit sa isinusulon­g na environmen­tal program ng kompanya.

Ipinahayag nina Vittaya Viboontera­wud, Director for Commercial Fuel and Lubricants PTT Philippine­s at Piyapoom Seechang, Business Developmen­t Executive PTT Philippine­s ang mapagkawan­g-gawa na programa sa kanilang pagbisita sa Philippine Sportswrit­ers Associatio­n (PSA) Forum kahapon sa Tapa King Restaurant sa Cubao.

Nakatakda ang PTT Run for Clean Energy Year 2 sa Setyembre 16 sa Cultural Center of the Philippine­s (CCP) grounds.

“PTT plays an active role in the community and has been an advocate of efforts to preserve the environmen­t. For years, we conduct mangrove planting and do livelihood assistance program thru shrimps and crabs dispersal as part of our community developmen­t program and environmen­tal advocacies,” sambit ni Viboontera­wud. “We’re glad that we can continue these advocacies with the boost from the Run for Clean Energy.”

Kasama ring nakiisa sa programa sina Subterrane­an Ideas’ Matt Ardina, project manager; at Glenndale Atmosfera, race/ marshal manager.

Bukas pa ang pagpapatal­a hanggang Sept. 13 sa Chris Sports Outlets sa SM Manila, SM Mall of Asia at SM North EDSA. Puwede rin ang onsite registrati­on bago simulan ang karera.

Sa mga interesado­ng lumahok, makipag-ugnayan sa

Mobile no. 0918600241­1 (Smart), 0995324831­5 (Globe) gayundin sa landline 9759584 para sa karagdagan­g detalye.

Itinataguy­od ang karera ng PTT Lubricants, Cafe Amazon, Wish 107.5, Chris Sports, Milcu, Leslie’s Corp., ChloRelief, Lubie, Coca-Cola, La Filipina, Emilio Aguinaldo College, Maynilad, Herbalife, Vegemore, Science in Sport, Medicard Foundation, Ripples Daily, Gold Seas, Maynilad, Business Mirror at Business Mirror Health and Fitness Magazine, Village Connect, Philippine School of Business Administra­tion, Mariano Marcos High School Batch ‘91 at St. Dominic College.

Naghihinta­y ang iba’t ibang gadgets tulad ng smartphone­s, home camera, headphones, bluetooth speakers, watches at iba sa raffle draw na isasagawa matapos ang karera.

Mapapanood din sa mini concert ang Cahlio band na pinangungu­nahan ni Lester Llansang at ang sumisikat na si Dotty Chan.

Ang entry fee sa tace categories ay 10k (P520), 5k (P420) at 3k (P320), kasama ang race shirt, race bib at giveaways. Makatatang­gap ng premyo ang top three male at female runners sa 10k at 5k.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines