Balita

Leo Awards sa 44th PBA season

- Ni TITO TALAO

LAS VEGAS — Isusulong ng Philippine Basketball Associatio­n ang pagbibigay ng Leo Awards simula sa ika-44 season ng liga sa Enero 13.

Ang Leo Awards, ipinangala­nan bilang pagkilala kay founding PBA Commission­er Leo Prieto, ang papalit sa taunang Annual Awards kung saan kinikilala ang husay at galing ng mga natatangin­g player para sa Most Valuable Player awards at Mythical Selections.

Kumakatok sa kasaysayan si San Miguel Beer center June Mar Fajardo na magtatangk­a na makamit ang ikalimang MVP awards at lagpasan ang marka ng idolo at basketball icons na sina Ramon Fernandez at Alvin Patrimonio.

Dahil sa iniindang injury sa paa, nalagay sa reserved list si Fajardo sa Philippine Gilas team na sasabak sa FIBA Asia qualifier window.

Itinakda naman ang All-Star Week sa Marso 1-3. Napagkasun­duan din ng PBA Board ang pagsasagaw­a nito sa isang venue na lamang. Ang pinagpipil­ian ay Calasiao sa Pangasinan, Laoag City sa Ilocos Norte at Sta. Rosa sa Laguna.

Ang quarterfin­al playoffs ay aabot sa April 2-6 kasunod ang semifinal series sa April 8-27, habang ang best-of-7 finals ay sa Mayo 1-15 para sa first conference.

Sisimulan ang second conference – Commission­er’s Cup – sa Mayo 24.

Nakatakda ang quarterfin­al sa Hulyo 24 hanggang Agosto 1 at tampok ang semifinals sa Agosto 3-12 at ang championsh­ip series ay sa Agosto 1428.

 ?? RIO DELUVIO ?? PABITIN! Unahan sa rebound ang mga players ng Far Eastern University at La Salle sa maaksiyong tagpo ng kanilang laro sa opening match ng UAAP Season 81 men’s basketball tournament. Naitala ng Tamaraws ang upset, 68-61, nitong Sabado sa MOA Arena.
RIO DELUVIO PABITIN! Unahan sa rebound ang mga players ng Far Eastern University at La Salle sa maaksiyong tagpo ng kanilang laro sa opening match ng UAAP Season 81 men’s basketball tournament. Naitala ng Tamaraws ang upset, 68-61, nitong Sabado sa MOA Arena.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines