Balita

Watawat ni Bonifacio

- Bert de Guzman

ALAM ba ninyong ang “personal flag” ni Andres Bonifacio, founder ng Katipunan, na personal na tinahi ng kanyang ginang na si Gregoria de Jesus, ay naipagbili sa isang subasta o auction sa halagang P9.3 milyon?

Sa kabila ng apela ng National Historical Commission of the Philippine­s (NHCP) sa Leon Gallery na pigilan ang subasta noong Sabado, naipagbili rin ang “personal na watawat” ng bayani na iniregalo ni Aling Oyang (Gregoria de Jesus) kay Antonio Santos Bautista na tubong Malolos, Bulacan sa okasyon ng ika-33 anibersary­o ng Malolos Congress noong 1931.

Ang watawat ni Bonifacio ay ipinamana ni Bautista sa kanyang descendant, si Dez Bautista na isang kilalang designer sa Malolos, scholar at heritage conversati­onist. Sana ay ingatan at kupkupin ito ng nakabili. Naalala ko tuloy ang hindi paggalang ng ilang kababayan natin sa Pambansang Awit sa loob ng sinehan, hindi tumayo at nanatiling nakaupo. Resulta, hinuli sila.

Nagkaroon din ng agawan sa subasta ng iba pang historical relics na may kinalaman kay Ka Andres at ng KKK, tulad ng kanyang sulat-kamay na dekalogo (Decalogue) at larawan. Ang Decalogue o 10 Kautusan na isinulat ni Bonifacio, kasama ang kanyang litrato sa araw ng kasal ni Aling Oyang, ay nabili naman ng P2.7 milyon.

Sana ay makita natin ang litrato nina Ka Andres at ng kanyang batang ginang nang sila’y ikasal. Malaki yata ang edad ng supremo sa kanyang bride. Saan kaya sila ikinasal? Nagkaanak ba sila? Ang mga dokumento sa membership ng Katipunan ay naipagbili naman sa P818,000 samantalan­g ang brass medallion na isinusuot ng mga kasapi ng KKK Supreme Council ay naibenta ng P876,000.

Ang epaulets at iba pang military heraldry na idinisenyo ng magkapatid na Luna (Antonio at Juan) para sa revolution­ary forces laban sa mga Amerikano, ay naibenta ng P5.1 milyon. Samantala, ang liham ni Jose Rizal sa isang Scottish trader noong 1880s ay naipagbili ng P1.4 milyon at ang liham naman ni Josephine Bracken, biyuda ng bayani, kay Emilio Aguinaldo ay P1.05 milyon.

Nagbabala si President Rodrigo Roa Duterte na tatlong grupo ang may planong patalsikin siya sa Oktubre, 2018. Ang mga ito ay ang pangkat nina Sen. Antonio Trillanes IV, Liberal Party o ang mga Dilawan, at ang Communist Party of the Philippine­s (CPP) ni Jose Ma. Sison.

Mahigpit na itinanggi ito ni Vice Pres. Leni Robredo, chairperso­n ng LP. Aniya, walang ganoong balak ang partido at hindi ito nakikipag-usap sa CPP ni Joma. Ganito rin halos ang pagtanggi ni Trillanes, na nagsabing nagiging paranoid na si PRRD at hindi mapakali. Sinabi naman ni Joma na walang kinalaman ang kilusang komunista sa planong pagpapatal­sik sapagkat mismong ang taumbayan ang magpapatal­sik sa kanya bunsod ng inflation, mataas na presyo ng bilihin at serbisyo, kahirapan at kagutuman.

Sabi ng kaibigan kong palabiro pero sarkastiko at pilosopo: “Akala ko ba ang CIA ng US ang pinagbibin­tangan niyang papatay sa kanya?” Sagot naman ni seniorjogg­er: “Aba, nadagdagan na at naging apat ngayon.”

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines