Balita

Gintong presyo ng pekeng siling Labuyo

- Dave M. Veridiano, E.E.

KASING-INIT ng maanghang na sili ang usap-usapan ngayon sa social media hinggil sa “Labuyo” na galing sa Taiwan, na kahit malaginto ang presyo ay marami pa rin ang nalolokong bumili nito.

Saradong dugong Bikolano ako -- ang Papa ko tubong Nabua, Camarines Sur at si Mama, ay tubong Tabaco, Albay -- kaya isa ako sa mga kababayan kong hindi

iniinda ang mala-apoy na anghang ng siling Labuyo, basta ba siyempre, ‘yong tunay nga lang!

Para sa akin, itong pinag-uusapang sili na napakamaha­l ng presyo ngayon sa merkado, na tinatawag nilang Labuyong Taiwan, ay talaga namang pekeng siling Labuyo. Sa hitsura pa lang ay malaki na ang pagkakaiba ng dalawa – mas mahaba at mataba kung ihahambing sa Labuyong galing sa Bicol itong sinasabi nilang galing naman sa Taiwan.

Maging ang lasa nito na sinasabing kasing anghang ng Labuyo na galing Bicol, ay malayung-malayo sa Bikolanong siling Labuyo, na isang maliit na butil lamang ay sapat nang pausukin ang bibig at ilong nang magsusubo nito.

Kakaiba kasi ang lasa, amoy at init nito sa bibig. Hinala ko, ay kasama ito sa mga “smuggled” na gulay mula sa Taiwan at

China. Medyo dumalang na itong makita ngayon sa merkado kasabay ng biglang pagtaas ng presyo nito na aabot na sa halagang P1,000 isang kilo.

At dahil nga sa sobrang mahal ng sili ngayon sa mga palengke, maglalabas ng kautusan sa darating na linggo ang Department of Agricultur­e (DA) na mamimigay sila ng binhi ng siling Labuyo para maitanim ng mga taga-Metro Manila sa kanilang mga bakuran. “I will issue an order sa ating DA National Capital Region (NCR) na mamigay ng mga buto ng sili para maitanim niyo sa mga masetera, mga paso, at maski sa likod bahay,” ang sabi ni Agricultur­e Secretary Manny Piñol.

Kuwento ng ilang kaibigan kong may puwesto ng gulay sa palengke sa Quezon City at Maynila, medyo may kasalanan sila sa pagkawala sa merkado ng tunay na siling Labuyo at ang pagpasok naman ng

sili galing sa Taiwan, na ang presyo noon na halos ipamigay, ngayon ay aabot na sa P1,000 libo kada kilo.

Mga ilang taon na ang nakararaan ay siling Labuyo na galing Bicol ang kanilang itinitinda, medyo may kamahalan lang ito ng konti kumpara sa mga siling berde na mabibili rin sa ibang maggugulay. Nang pumasok sa merkado ang Labuyong galing Taiwan ay naging mabili ito dahil sa napakamura – ang isang malaking baso ay halagang P5.00 lang kumpara sa tig P20.00 na galing Bicol na Labuyo.

Sa ganitong labanan sa presyo sa merkado ay unti-unting nawala ang nagsu-supply ng Labuyo na galing Bicol habang namamayagp­ag naman sa benta ang galing sa Taiwan dahil nananatili­ng mura pa rin ang presyo nito sa merkado.

Nang tuluyan nang mawala sa mga palengke ang Labuyo na galing Bicol,

unti-unti namang tumaas ang presyo ng galing Taiwan – mula takal ay naging per kilo na ito at ang tingi ay naging per piraso na lang, hanggang sa umabot na nga sa presyong P1, 000 ang isang kilo o tingi na P5.00 isang piraso -- kasabay ng nagaganap na inflation sa buong bansa.

Hindi na muling nakabalik sa merkado ang Labuyong Bicol, dangan kasi ang mga nagtatanim nito ay nalugi kaya napilitan na lamang na magtanim ng ibang gulay na mas mabilis maibenta sa palengke.

Dito na tuluyang nawala sa merkado ang siling Labuyo, ngunit muli itong magiging bahagi ng ating hapagkaina­n kung magsisimul­a na tayong magtanim nito sa ating mga bakuran!

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@ yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines