Balita

Maine at Bossing Vic, mag-ama uli sa sitcom

- Ni NORA V. CALDERON

TIYAK na ikatutuwa ng mga fans ni Maine Mendoza at ng AlDub Nation ang balitang tuloy na ang paggawa ng sitcom ng phenomenal star sa GMA, kasama si Bossing Vic Sotto. Ipo-produce daw ito ng M-Zet Production­s at GMA Network, at muling gaganap na mag-ama sina Bossing at Maine. Unang gumanap na mag-ama ang dalawa sa first movie nina Maine at Alden Richards, ang My Bebe Love, na ipinalabas sa 2015 Metro Manila Film

Festival.

Si Bossing din ang naging tatay ni Maine sa Kalyeserye ng Eat Bulaga, at gumanap din silang magama sa Lenten Special ng Eat Bulaga.

Ngayon ay nagsu-shooting sina Maine at Bossing

ng Jack Em Popoy: The Pulis Incredible­s para sa coming Metro Manila Film Festival sa December. Mag-ama sila uli sa movie, at kasama nila si Coco Martin.

Si Bossing Vic ay nakagawa na ng sitcom sa GMA 7 kasama si Ai Ai delas Alas, ang Hay Bahay, kasama sina Jose Manalo at Wally Bayola, at ang mag-asawang

Oyo Sotto at Kristine Hermosa. Nagkaroon din ng comedy game show si Bossing Vic with Ai Ai uli.

Bagay kay Maine ang sitcom dahil mahilig din naman siyang magpatawa sa Eat Bulaga, at ilang episodes din ng Daig Kayo Ng Lola Ko ang nagawa niya. Mas gusto niya ito dahil once a week lang ang sitcom.

Kaya kung matutuloy, may sitcom si Maine at may action-drama-fantasy series naman si Alden sa GMA 7, ang Victor Magtanggol.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines