Balita

Lovely Rivero at Ced Torrecareo­n, bagong putahe sa musical play

- Ni MERCY LEJARDE

NAGKASAMA sina Lovely Rivero at Ced Torrecareo­n sa seryeng Ang Probinsyan­o ni Coco Martin kaya naging magaan ang loob nila sa isa’t isa.

So ang feeling namin ay si Ced ang gumawa ng paraan para makasama si Lovely sa cast ng The

Lost Sheep, na isang musical play tungkol sa buhay nina Jesus Christ at Mama Mary na ipalalabas sa Star Theater CCP Complex sa October 27, 2018, 4:00 ng hapon sa matinee show at 7:00 naman ang evening show.

Gaganap si Ced bilang si Jesus Christ at si Lovely naman ay bilang si Mama Mary.

Natanong ni Yours Truly si Ced kung during ba rehearsals nila sa The Lost Sheep ay naramdaman niyang sumanib sa kanya ang espiritu ni Lord Jesus Christ?

“Two years ago ay in-offer sa akin ang musical play na ito. Nu’ng time na ‘yon, I was feeling down and so depressed dahil kamamatay lang ng Mama ko. “Nu’ng time na ‘yon, buhay pa si Ka Alfie (Alfie

Lorenzo, SLN) at tinanong ko siya kung tatanggapi­n ko ba ito. Tapos ang sagot niya ay tanggapin ko na raw.

“Nagpasalam­at naman ako dahil nang tinanggap ko ang musical play na ito, ay naramdaman ko tuloy na nagkaroon ako ng bagong pamilya sa Manila Act Production­s, sa pangunguna ng producer na si Lee

Ann Larazro Achaval at Direk Jon B. Achaval and

the rest of the staff.

“At talagang ‘yung time na ‘yon na very depressed nga ako at nu’ng ginagawa ko na ang role ni Lord God Jesus Christ, naramdaman ko na sumanib ang espiritu niya sa akin kaya naging

magaan ang pakiramdam ko at na-feel ko na talagang I was guided by him. At hindi lang sa akin kundi pati sa lahat ng mga kasama ko dito sa ‘Lost Sheep’,” ito ang mahabang dagot ni Ced.

Ayon kay Lovely, hindi ito ang unang pagkakatao­n na gaganap siyang Mama Mary sa The

Lost Sheep, kundi pangatlong beses na.

Pero sobrang iba raw ang pagganap niya rito

sa The Lost Sheep dahil kailangan niyang kumanta sa play.

And take note, may good singing voice pala ang isang Lovely Rivero, ha! Ang akala namin ay pang-teleserye at pangpeliku­la lang ang kanyang boses kaya biniro namin siyang, “May itinatago ka pala, ha!,” na ikinatawa lang niya sabay sabi ng pasasalama­t.

Kasama nina Lovely at Ced sa cast ng The Lost

Sheep sina Reuben Aslor , Jeffrey Santos, Francis Cruz III, Tracy Thunder, Mark Jordan Mascarenas, Richard Manabat, Rare Columna, Nina Campos, Jonna Reyes, VJ Estodero, Arion Sanches, Brylle Mondejar, Francis Cruz, Jr., Azur Altaki at Angelo Estrada.

Ang general public ang kanilang target audience ngunit pagtutuuna­n nila ng pansin ang pagpapanoo­d ng play sa mga paaralan at religious organizati­on. Ang kanilang beneficiar­y ay ang Gawad Kalinga.

Samantala, klinaro naman ni Direk Jon Achaval na ang The Lost Sheep ay hindi pang-Lenten Season, kundi isang live musical play na magpapakit­a ng ilang himala at parabola tungkol sa ating Panginoon, na magbibigay-daan upang maisalba ang naninilaw nang paniniwala ng tao sa presensya ng Panginoon.

Amen!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines