Balita

‘Yellow Brick Road’ tour ni Elton John, inilunsad

-

SINIMULAN na ni Elton John ang kanyang Farewell Yellow Brick Road world tour, na pagtatapos ng kanyang touring career. Inilunsad sa Allentown, Pennsylvan­ia nitong Sabado ng gabi, tinugtog ni John, 71, ang kanyang greatest hits sa unang show sa mahigit 300 shows sa buong mundo, na nakaplano na para sa susunod na tatlong taon.

Inihayag ni Elton noong Enero na nais na niyang itigil ang pagtour at ituon na lamang ang pansin sa kanyang pamilya, dahil nagbago na umano ang kanyang mga prioridad nang maging magulang n g dalawang anak, sa husband niyang

David Furnish.

Nagbahagi ang

British singer ng mga larawan at videos mula sa kanyang 50-year career, kabilanga ng film ng kanyang yumaong lalo, at nagbigay-pugay rin siya, sa pamamagita­n ng montage of photos, sa mga taong naging impluwensi­ya sa kanya gaya ng yumaong singer na si Aretha Franklin, South African leader na si Nelson Mandela at ng physicist na si Stephen Hawking.

“I have been able to witness a huge amount of social, political and cultural change. I want the

Farewell Yellow Brick Road tour to celebrate that,” sabi ni Elton sa isang pahayag.

Nang kantahin niya ang Crocodile Rock, ipinakita naman ang mga imahe ng fans suot ang Elton John inspired outfits sa large screens, at habang inaawit naman niya ang Candle

in the Wind, ini-play naman ang short film tungkol sa last photo session ni Marilyn Monroe show Nagtapos ni Elton ang sa pag-awit niya ng

Goodbye Yellow Brick

Road, suot ang black and red track suit, gaya ng makikita sa cover ng kanyang 1977 album cover, habang ipinapalab­as naman ang home video ng mga natatangin­g pangyayari sa kanyang buhay.

 ??  ?? Elton
Elton

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines