Balita

Lady Tams, asam ang PVL title

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (FilOil Flying V Center) 4:00 n.h. -- UST vs Adamson (third place) 6:30 n.g. -- UP vs FEU (championsh­ip)

MAY problemang kinakahara­p ang Far Eastern University na posible namang maging malaking tulong para sa katunggali­ng University of the Philippine­s upang maangkin ang pinapangar­ap na titulo ng Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference Season 2.

May duda kung makakalaro para sa Lady Tamaraws sa Game 2 na magsisimul­a ng 6:30 ng gabi sa Filoil Flying V Center si reigning UAAP Best Middle Blocker at isa sa kanilang mga top hitter na si Celine Domingo na sinamang palad na magtamo ng injury sa kanang tuhod sa fifth set ng kanilang 25-14, 25-22, 24-26, 1825, 5-15 kabiguan noong Linggo sa Lady Maroons.

Ayon sa team physical therapist na si Marilou Regidor, hindi naman major injury ang nangyari at kailangan lamang ingatan ang kanyang galaw dahil may mga kilos siyang nakakaapek­to sa kanyang plica syndrome sa tuhod.

Anuman ang mangyari, handa naman ang Lady Tamaraws na lumaban ayon kay playmaker Kyle Negrito.

“Kung hindi siya (Domingo) makakalaro, kahit sinong ipasok ay kailangang handang maglaro. Hindi kailangang pantayan nila yung effort ni Celine basta ibigay lang nila ang kanilang makakayana­n at gawin yung dapat,” wika ni Negrito.

Bukod kay Negrito, sasandigan din ni coach George Pascua sakaling di makalaro si Domingo upang mamuno para sa FEU sina Jerrili Malabanan, Heather Guino-o at top rookie Lyka Ebon.

Sa kabilang dako, mas naging inspirado dahil sa panalo nila noong Game 1, determinad­o ang Lady Maroons na makamit ang pinakamimi­thing unang titulo sa PVL.

Bukod sa kanyang core na pinamumunu­an ng mga beteranong sina Isa Molde at Marian Buitre, muling sasandigan ni UP Kenyan coach Godfrey Okumu ang mga fans at supporters ng Lady Maroons na talagang nagsulong sa kanila upang manaig noong Game 1.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines