Balita

FEU at UP, asam na makabingwi­t ng biktima

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum) 2:00 n.h. -- UST vs FEU 4:00 n.h. -- UP vs Ateneo

MAIPOSTE ang ikalawang sunod na panalo para sa maagang liderato ang kapwa tatangkain ng Far Eastern University at University of the Philippine­s sa pagsalang sa nakalinyan­g double header sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament eliminatio­n ngayon sa Araneta Coliseum.

Galing sa 68-61 paggapi sa last year losing finalist De La Salle sa una nilang laban, haharapin ng Tamaraws ang University of Santo Tomas Growling Tigers sa unang salpukan ganap na 2:00 ng hapon.

Nagwagi naman kontra University of the East, 87-58, sa opening day, sasagupain naman ng Fighting Maroons ang defending champion Ateneo de Manila Blue Eagles sa unang edisyon ng “Battle of Katipunan” ganap na 4:00 ng hapon.

Mas naging matayog ang lipad ng Adamson Falcons laban sa Blue Eagles sa opening match, 74-70,

Tiyak na masusukat ng husto ang kahandaan ng Maroons kontra sa kanilang kapitbahay na sisikaping ibaon sa limot ang natamong opening weekend loss.

“We knew what to do regardless if it’s man or zone. There’s nothing out there that we haven’t prepare for,” pahayag ni UP coach Bo Perasol matapos ang panalo kontra UE.

“But this is just the start.I’m happy to get this win and we can capitalize with the momentum we got,” aniya.

Ibayong paghahanda ang kinakailan­gan at ipinangako­ng gagawin ng Ateneo sa mga susunod nilang laban.

Sa unang laro, dikdikang laban din ang inaasahang matutungha­yan sa pagitan ng Tamaraws na gustong maipagpatu­loy ang magandang simula ng season at ng Tigers na gaya ng Blue Eagles ay gusto ring makabangon sa natamong kabiguan sa una nilang laban sa kamay ng season host National University Bulldogs.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines