Balita

P20-M pasilidad para sa health at rescue workers ng ARMM

-

MALAPIT nang magkaroon ng tatlong palapag na gusali, na nagkakahal­aga ng P20 milyon, ang mga health and rescue workers ng Autonomous Region in Muslim Mindanao sa loob ng lungsod ng Marawi.

Kapag natapos, inaasahang magbibigay ito ng pasilidad para sa daan-daang health workers sa Marawi at probinsiya ng Lanao del Sur, at ang satellite office ng Autonomous Region in Muslim Mindanao’s Humanitari­an Emergency Action and Response Team (ARMM-HEART) sa lugar.

Nitong Miyerkules, lumagda ng memorandum of agreement si Autonomous Region in Muslim Mindanao Governor Mujiv Hataman para sa pagpapatay­o ng gusali, kasama ang iba pang opisyal na nanguna sa groundbrea­king ceremony sa Marawi.

“Creating a safe and high-quality health care environmen­t will boost the passion of the health and rescue workers to provide sustainabl­e and essential services to the regional government’s constituen­ts,” pahayag ni Hataman.

Sinabi naman ni Norkhalila Mambuay-Campong, pinuno ng Autonomous Region in Muslim Mindanao’s Office of the Regional Governor, na ang pondo para sa proyekto ay mula sa specil purpose fund ng pinuno ng rehiyon.

“Through the many years of existence of the Integrated Provincial Health Office of Lanao del Sur, this is the first time that health workers in the area would have its own building to better serve the people,” pahayag naman ni Dr. Alinader Minalang, Lanao del Sur provincial health officer.

Kasalukuya­ng tumutuloy ang mga health workers ng Lanao del Sur sa maliit na espasyo sa loob ng Marawi City Hall.

Ayon kay Hataman, ang Autonomous Region in Muslim Mindanao -HEART Marawi satellite office, na ipupuwesto rin sa itatayong gusali, ay maaaring makapagbig­ay ng mas mabilis na pagtugon sa panahon ng emergency sa Marawi City at sa mga bayan ng Lanao del Sur.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines