Balita

3 kidnapped Indonesian, na-rescue

- Nina FRANCIS T. WAKEFIELD at FER TABOY

Nasagip ng militar ang tatlong Indonesian matapos na dukutin ng isang armadong grupo sa Taganak Island, Tawi-Tawi, mahigit isang taon na ang nakalilipa­s.

Sa ulat na natanggap ni Armed Forces of the Philippine­s-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom), kinilala ang mga nasagip na sina Hamdam Salim, 34; Subandi Sattuh, 27; at Sudarlan Samansung, 41.

Sa tulong na rin nina Joint Task Force Sulu, Miss Tarhata Misuari, Abdul Kiram Misuari at daitng Governor Abdusakur Tan, nasagip ang mga biktima sa Barangay Buanza, Indanan, Sulu, nitong Sabado.

Dinala muna ang tatlo sa ospital upang isailalim sa medical check-up at custodial debriefing, bago i-turn-over kay Indonesian Ambassador to the Philippine­s Sinyo Harry Sarundajan­g sa Western Mindanao Command. Dinukot ang mga biktima habang sila ay sakay sa isang speedboat sa karagatan ng Taganak Island, Tawi-Tawi noong Enero 18, 2017.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines