Balita

Pinoys sa HK inalerto sa ‘Mangkhut’

- May ulat ni Bella Gamotea

HONG KONG (AFP, Reuters) – Sa unang pagkakatao­n sa kasaysayan nito, isinara ng Macau ang lahat ng casino bago dumating ang Bagyong Mangkhut, sa pagbabala ng mga awtoridad na ang gambling enclave ay tatamaan ng matinding baha.

Matinding batikos ang inabot ng Macau government mula sa mga residente noong nakaraang taon dahil sa kabiguang ihanda ang lungsod bago sa Bagyong Hato, na nagiwan ng malawakang pinsala at pumatay ng 12 katao.

Inihayag ng mga awtoridad nitong Sabado na ang desisyong isara ang 42 casinos sa Macau ay inaprubaha­n ng city leader at sumang-ayon ang gaming bosses.

‘’The suspension of gaming operations is for the safety of casino employees, visitors to the city and residents,’’ sinabi ng gobyerno.

Isasara ang mga venue sa semiautono­mous southern Chinese city hanggang sa hindi pa mabatid na panahon sa pagtaas ng lungsod sa second highest storm warning nito.

Sinabi ng Macau weather bureau na ang storm warning ay itataas sa pinakamata­as na T10 level kinahapuna­n ng Linggo at inaasahan ang pinakamala­kas na ulan sa katanghali­an. Pinakuan ng tabla ang mga tindahan at negosyo at prinotekta­han ng sandbags sa buong lungsod, at walang makikitang tao sa mga kalye na karaniwang puno ng mga turista.

Matapos salantain ang mga Pilipinas, muling nagpalakas ang bagyong Mangkhut habang patungong Hong Kong, southern Guangdong province, at Macau. Ito ang pinakamala­kas na bagyong tumama sa rehiyon ngayong taon sa hanging 200 kph, katumbas ng maximum Category 5 “intense hurricane” sa Atlantic.

“According to the present forecast track, Mangkhut will be closest to the Pearl River Delta around noontime (0200 GMT),” sinabi ng Hong Kong Observator­y.

Dakong tanghali kahapon, nasa pinakamata­as na No. 10 typhoon signal na ang Hong Kong, sa paghampas ng matataas na alon sa mababang lugar at matinding hangin na sumisipol sa nagtataasa­ng gusali ng lungsod.

Lumikas ang mga residenten­g nasa mababang lugar sa takot sa storm surges na umaabot sa 3.5 m (12 ft).

Libu-libong biyahero ang stranded sa Hong Kong’s internatio­nal airport dahil sa mga nakanselan­g flights. Noong nakaraang linggo pa nagkansela ng kanilang mga biyahe ang airlines, gaya ng flagship carrier na Cathay Pacific.

MGA PINOY PINAG-IINGAT Kaugnay nito, pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Filipino Community sa Hong Kong na mag-ingat sa pananalasa ng Bagyong Mangkhut.

Nanawagan ang Konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong sa 227,000 Pilipinos sa nasabing teritoryo na manatili sa loob ng kanilang bahay at ipagpaliba­n ang anumang pagbiyahe o mga aktibidad sa labas.

Inabisuhan naman ni Consul General Antonio Morales ang mga kabaayan na magmonitor ng weather bulletins at sumunod sa mga kautusan ng lokal na mga awtoridad.

Ayon kay Morales, handa ang Konsulado na magkaloob ng ayuda sa mga Pilipino sa oras ng emergency. Tumawag lamang sila sa 999 o Consulate Hotline +852.9155.4023.

 ?? REUTERS ?? SIGNAL NO. 10 Hinahampas ng matataas na alon ang dalampasig­an ng Heng Fa Chuen, isang residentia­l district malapit sa waterfront, sa paghagupit ng Bagyong Mangkhut sa Hong Kong, kahapon. Itinaas ng Hong Kong ang pinakamata­as na No. 10 typhoon signal sa bagyong tinawag ng Chinese media na ‘King of Storms.’
REUTERS SIGNAL NO. 10 Hinahampas ng matataas na alon ang dalampasig­an ng Heng Fa Chuen, isang residentia­l district malapit sa waterfront, sa paghagupit ng Bagyong Mangkhut sa Hong Kong, kahapon. Itinaas ng Hong Kong ang pinakamata­as na No. 10 typhoon signal sa bagyong tinawag ng Chinese media na ‘King of Storms.’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines