Balita

Digong bibisita sa Cagayan, Ilocos ngayon

- Argyll Cyrus B. Geducos

Inaasahang bibisita ngayon si Pangulong Duterte sa Cagayan Valley at Ilocos Norte, na hinagupit ng bagyong Ompong, nitong Sabado.

Sa kanyang official schedule, nakatakdan­g daluhan ng Pangulo ang isang situation briefings sa naging epekto ng bagyo na idadaos sa Tuguegarao City, Cagayan, bandang 12:00 ng tanghali at sunod na bibisitahi­n ang Ilocos Norte.

Sisilipin din ng Pangulo ang Isabela, isa sa mga lalawigang binayo ng bagyo.

Una nang ipinahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque na uunahing puntahan ni Duterte ang mga lugar na naapektuha­n ng nasabing kalamidad, depende na rin sa lagay ng panahon.

“But knowing him, he will be the first to go to the affected area as soon as the weather allows his chopper to take off,” pahayag ni Roque.

Hihintayin na lamang ng Pangulo ang abiso ng Civil Aviation Authority of the Philippine­s (CAAP) para sa tuluyang paglipad nito sa mga naapektuha­ng lugar, ayon naman kay Presidenti­al Communicat­ions Operation Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

“Inaasahan ni Presidente ‘yan matapos lang itong bagyo ay lilipad at lilipad diyan ang Presidente,” ayon sa tagapagsal­ita ng Pangulo.

Nitong nakaraang Huwebes, pinamunuan ni Duterte ang isang command conference sa NDRRMC office upang mapaghanda­an ang pagtama ng bagyo sa bansa kasabay na rin ng kautusan nito sa mga miyembro ng gabinete na magtungo sa mga lugar na babayuhin ng bagyo.

“The Ilocanos in the Cabinet were tasked to go to their respective home provinces,” ayon pa kay Roque na ang tinutukoy ay sina Labor Secretary Silvestre Bello III at Transporta­tion Secretary Arthur Tugade na inobligang magtungo sa Isabela at Cagayan, ayon sa pagkakasun­od.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines