Balita

Taas-presyo uli sa petrolyo

- Bella Gamotea

Hindi napigilan ng matinding pananalasa ng bagyong ‘Ompong’ ang panibagong oil price hike na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Sa taya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng 50-60 sentimos ang kada litro ng gasolina, habang 10-20 sentimos naman ang inaasahang dagdagpres­yo sa diesel at kerosene.

Ang nagbabadya­ng taas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdig­ang pamilihan.

Setyembre 11 nang nagtaas ng 65 sentimos sa gasolina, diesel at kerosene.

Sa loob ng dalawang linggong oil price hike nitong Setyembre 4 at 11, nadagdagan ng kabuuang P1.85 ang diesel, habang P1.60 naman sa gasolina at diesel.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines