Balita

MOVE sets ilarga sa mga binagyong lugar

- Ni HANNAH L. TORREGOZA

Dapat nang ilunsad ng Department of Informatio­n and Communicat­ions Technology (DICT) ang bagong emergency communicat­ions system nito sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad, himok ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara kahapon.

Ito ang panawagan ni Angara sa pagkilos ng bansa matapos ang pananalasa ng Bagyong Ompong (internatio­nal name: Mangkhut) sa Luzon.

Sa huling ulat, 28 katao ang kumpirmado­ng nasawi sa bagyo nitong Sabado, karamihan ay sa Cordillera Administra­tive Region (CAR).

Iniwan din ng bagyo na walang kuryente ang halos lahat ng lalawigan sa hilagang Luzon.

Ipinunto ni Angara na ngayong taon, tumanggap ang DICT ng P192 milyon para sa pagbili ng anim na Mobile Operations Vehicles for Emergency (MOVE) – ang flagship component ng emergency communicat­ions system ng ahensiya na naglalayon­g tulungan ang mga komunidad sa Pilipinas na maging mas matatag sa mga kalamidad.

Bilang Senate finance committee vice chairperso­n na inatasang depensahan ang budget ng DICT, isinulong ni Angara na isama ang anim MOVE sets sa panukalang 2018 budget ng ahensiya.

“One of the first casualties when disaster strikes is the communicat­ion infrastruc­ture,” punto ni Angara.

“Response to people immediatel­y needing help and coordinati­on among responders are impeded and delayed because they could not communicat­e,” aniya.

Sinabing senador na sa paglalagay ng MOVE project, makapagkak­aloob ang gobyerno ng communicat­ion system “crucial in delivering help and services and in saving lives.”

Nilalayon ng proyekto na tiyakin ang pagkakaroo­n ng mobile emergency vehicles sa inisyal na strategic areas gaya ng National Capital Region (NCR), Clark, Batangas, Cebu, Cagayan De Oro at Davao City para maging mas madali ang pagpapadal­a nito sa mga karatig na lalawigang nangangail­angan.

Kabilang sa roll-out sites nito sa hinaharap ang Bicol, Tuguegarao sa Cagayan, Samar at Zamboanga City, ani Angara.

Ayon sa DICT, ang bawat MOVE set ay mayroong isang six-wheeler truck na magsisilbi­ng command at control center para mag-coordinate ng mga pagsisikap sa first-responders at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), gayundin sa base station malapit sa evacuation centers para magkaroon ng komunikasy­on ang evacuees sa kanilang mga mahal sa buhay.

“Hopefully, the DICT will be able to implement this project at the soonest possible time,” anang senador.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines