Balita

Dalai Lama batid ang sexual abuses

-

THE HAGUE (AFP) – Sinabi ng Dalai Lama nitong Sabado na batid niya ang sexual abuse ng Buddhist teachers simula noong 1990s at hindi na bago ang mga alegasyong ito.

Umamin ang Tibetan spiritual leader, iginagalan­g ng milyun-milyong Buddhists sa buong mundo, sa apat na araw niyang pagbisita sa Netherland­s, kung saan nakipagpul­ong siya noong Biyernes sa mga diumano’y biktima ng sexual abuse ng Buddhist teachers.

‘’We found refuge in Buddhism with an open mind and heart, until we were raped in its name,’’ sinabi ng mga biktima sa kanilang petisyon.

‘’I already did know these things, nothing new,’’ sagot ng Dalai Lama sa Dutch public television na NOS nitong Sabado ng gabi.

Ang mga taong gumagawa ng sexual abuse ‘’don’t care about the Buddha’s teaching. So now that everything has been made public, people may concern about their shame,’’ aniya, sa wikang English.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines