Balita

Hurricane Florence ‘di pa tapos sa US

-

NEW BERN (AFP) – Nagbabala ang mga awtoridad nitong Sabado sa mga residente na lumikas sa killer hurricane na hindi pa tapos ang pamiminsal­a nito, sa pagbuhos ng Florence ng ‘’epic amounts of rainfall’’ sa timog silangan ng United States, naghatid ng mapinsalan­g baha at pumatay ng siyam katao.

Nag-landfall ang Florence nitong Biyernes bilang Category 1 hurricane ngunit bumaba na sa tropical storm. Gayunman, patuloy ang paghasik nito ng pinsala sa East Coast, ibinuwal ang mga punongkaho­y at poste ng kuryente, at nagpuwersa ng paglikas ng 20,000 katao.

Nitong Sabado ilang residente ang nagtangkan­g bumalik sa kanilang mga tirahan ngunit nagbabala si North Carolina Governor Roy Cooper na mapanganib ito, ‘’as rivers keep rising and rain keeps falling, the flooding will spread.”

Nauna na niyang sinabi na ang bagyo ‘’is unloading epic amounts of rainfall: in some places, measured in feet, not inches.’’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines