Balita

Wang, naurong ang pagbisita

- Bella Gamotea

Hindi matutuloy ang pagbisita ni Chinese State Councilor at Foreign Minister Wang Yi sa bansa ngayong Setyembre 16 hanggang 18, dahil sa pananalasa ng bagyong Ompong ( Mangkhut), inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa ulat ng DFA, nagkasundo ang Pilipinas at China na ilipat sa ibang petsa ang pagbisita ni FM Wang upang makapagpok­us ang bansa sa rescue, recovery at relief efforts sa mga apektado ng bagyo.

Nakatuon ngayon ang DFA sa pakikipag-ugnayan sa mga alok na internatio­nal humanitari­an assistance sa pamamagita­n ng Philippine Humanitari­an Assistance Registry (PHAR) at pag-aayuda sa stranded overseas Filipino workers (OFWs) sa mga paliparan at pantalan sa buong bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines