Balita

Protesters inaresto

-

ISTANBUL (AFP) – Inaresto ng Turkish police nitong Sabado ang 20 katao na nagpoprote­sta sa laban sa mga pagkamatay sa trabaho at mahinang kondisyon sa constructi­on site ng ikatlong paliparan ng Istanbul, na ipinagmama­laking magiging world’s largest airport kapag nakumpleto.

Binuwag ng security forces ang protesta ng dose-dosenang katao kasunod ng bugso ng mga pag-aresto nitong Biyernes.

Sa kabuuan ay 500 katao ang inaresto sa mga protesta sa site ng isa sa mega developmen­t projects ni President Recep Tayyip Erdogan, ayon sa Revolution­ary Unions Confederat­ion (DISK) ng Turkey.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines