Rape slay suspect, tiklo
LAUR, Nueva Ecija – Arestado ang isang 21-anyos na lalaki na umano’y gumahasa at pumatay sa isang Grade 5 pupil sa Barangay Siclong, Laur, Nueva Ecija, kamakailan.
Nasa kustodiya ng Laur police station si Felix dela Cruz matapos na madakip sa pinagtataguan nito sa nasabing lugar.
Ang pagkakadampot kay Dela Cruz ay kasunod na rin ng umano’y panggagahasa at pagpatay nito sa kanyang pamangkin sa isang bakanteng lote noong Setyembre 12.
Ayon kay Chief Insp. Christopher Baluyot ng Laur police, hindi na nakauwi ang biktima nang utusan ng suspek na bumili ng sigarilyo ilang minuto bago ang insidente.
Nang mabalitaan ang pagkawala ng kanyang anak, agad na ini-report ng ama ng biktima ang insidente.
Nang isailalim sa interogasyon, inamin umano ni Dela Cruz ang krimen.