Balita

6 na NPA, sumuko

- Francis T. Wakefield

Matapos ang mahabang panahong pakikipagl­aban sa pamahalaan, sumuko sa pamahalaan ang anim na miyembro ng New People's Army (NPA), kabilang ang apat na mataas na opisyal nito, sa Compostela Valley, kamakailan.

Hindi na ibinigay ng militar ang pagkakakil­anlan ng mga ito para na rin sa kanilang seguridad.

Sumuko ang mga ito sa 46th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army (PA) sa Mabini, Compostela Valley, nitong nakaraang Biyernes.

Isinuko rin ng mga ito ang iba’t ibang uri ng kanilang armas.

Nagpahayag naman ng pasasalama­t si 1001st Infantry Battalion (IB) commander, Col. Gilbert Saret sa pagsuko ng mga ito.

"We would like to welcome our brothers who were victims of NPA exploitati­on. We want to assure them that we will assist them as they return to the fold of the law, particular­ly, in their enrollment with the Enhance Comprehens­ive Localized Integratio­n Program or the E-CLIP," ayon pa sa kanya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines