Balita

3 dinakma sa sugal

- Leandro Alborote

SAN JOSE, Tarlac - Nalambat ang tatlong katao nang maaktuhang nagsusugal sa Barangay Villa Aglipay, San Jose, Tarlac, nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ni SPO1 Arham Mablay, may hawak ng kaso, ang mga suspek na sina Remedios Salviejo, 18; Jose Mayo, 25; at Senyong Baluyut, 22, ng nasabing lugar.

Nasamsam sa mga suspek ang pera at barahang ginamit sa pagsusugal. Nakakulong ang mga suspek sa San Jose police station at sasampahan ng kasong paglabag sa Presidenti­al Decree 1602 (illegal gambling).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines