6 sugatan sa banggaan
BAMBAN, Tarlac - Anim na katao ang nasugatan nang magsalpukan ang isang kotse at isang pampasaherong jeep sa Poblacion, Barangay San Nicolas, Bamban, Tarlac, nitong Sabado ng madaling araw.
Isinugod sa Ospital Ning Capas sina Glen Camaya, 27; ng 426 ng San Fabian Street, San Jose, Angeles City, Pampanga; Robert Ramos, 35, ng San Nicolas, Dapdap Resettlement Area, Bamban, Tarlac; William Bulaon, 22; Renz Darwin Campo, 20; Brendsalee Muldong, 41, ng Sitio Pag-asa, Bgy. Anupul, Bamban, Tarlac; at Darios Poliseno, 33, ng Mountain View, Bgy. Balibago, Angeles City, Pampanga.
Patungo ang jeep sa Poblacion, San Nicolas nang makasalpukan nito ang kotse sa panulukan ng Sibal St., Rizal Avenue.