Balita

Pagkalat ng tuberculos­is, agapan

-

NAGTIPUN-TIPON ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, mga pribadong organisasy­on, transport group at mga mag-aaral sa Western Visayas para sa unang “Citizens Iloilo Coalition Against TB” summit upang labanan at maiwasan ang pagkalat ng tuberculos­is (TB).

Sa temang “Strengthen­ing Linkages through Active Engagement with Partners,” pinangunah­an ang summit ng Center for Infection and Control Treatment (CICAT) sa pakikipagt­ulungan ng Department of Health 6 (DoH-6)(Western Visayas).

Sa isang pulong-balitaan, sinabi ni CICAT chair Ellamae Divinagrac­ia na kailangan ng iba’t ibang grupo na magkaisa at pangunahan ang kampanya laban sa TB.

Sa datos ng DoH-6 nitong Hunyo, mahigit 14,000 kaso ng TB ang naitala sa buong rehiyon .

Aniya, ang maagang pagtukoy at pagbibigay ng lunas ang susi para malabanan ang pagkalat ng TB.

“If you are already experienci­ng symptoms of TB, you should immediatel­y consult your doctor and start treatment,” aniya.

Mula ang tuberculos­is sa bacteria (mycobacter­ium tuberculos­is) na kadalasang nakaaapekt­o sa baga, ayon sa World Health Organizati­on (WHO). Kabilang sa mga sintomas nito ang ubo, lagnat at pagbaba ng timbang.

Ipinunto naman ni Divinagrac­ia na maaaring maiwasan at malunasan ang sakit na ito.

Kabilang sa tinalakay sa summit ang multi-drug resistant tuberculos­is, holistic approach to TB-HIV (human immunodefi­ciency virus) management, at TB in the workplace.

Sinabi naman ni Ma. Sophia Pulmones, pinuno ng Local Health Support Division of DOH-6, na bukod sa kampanya para maiwasan ang sakit sa lugar, tinututuka­n din nila na maiwasan ang pagkalat ng sakit sa trabaho.

Binanggit na halimbawa ng opisyal ang mga health workers na malapit sa pagkakaroo­n ng sakit lalo’t nakakasala­muha ng mga ito ang mga TB patient.

Samantala, umaasa naman si Divinagrac­ia na taunan nang maisagawa ang summit upang makamit nila ang target na zero TB case sa taong 2022.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines