Balita

AFP at PNP, tapat kay Duterte

- Bert de Guzman

NANANATILI­NG tapat at solido ang suporta ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP) sa administra­syon ni President Rodrigo Roa Duterte. Ito ang pahayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana kaugnay ng hamon ni PRRD sa mga sundalo na sumanib sa mga puwersa na nagpaplano umanong siya’y patalsikin, kabilang ang grupo ni Sen. Antonio Trillanes IV (Magdalo).

Bukod sa pangkat ng mahigpit na kritiko ng Pangulo, tinukoy ni Mano Digong ang dalawa pang grupo na nais daw siyang sipain sa puwesto, ang Liberal Party o Mga Dilawan at ang Communist Party of the Philippine­s (CPP) ni Jose Ma. Sison. Itinanggi ng mga ito ang akusasyon ni Pres. Rody na maglulunsa­d umano sila ng pagkilos sa Oktubre.

Sinabi ni Lorenzana na ang paghamon ni PDu30 sa mga kawal ay maaaring pananantiy­a lamang ng Pangulo dahil naniniwala siyang suportado pa rin siya ng AFP at ng Philippine National Police (PNP) sa pamumuno ni Director General Oscar Albayalde.

Sa one-on-one (tete-a-tete) interview ng Presidente noong Martes kay Presidenti­al Chief Legal Counsel Salvador Panelo, lagi niyang binibira si Trillanes. Hinamon niya ang mga kawal na sumama rito at sa Magdalo at kung gusto nila, maglunsad sila ng kudeta.

Naniniwala si Lorenzana na ang AFP at PNP ay matatag na mga institusyo­n, kuntento sa pamamaraan ng pamamahala ng Pangulo. Ang PNP ay nasa ilalim ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ang puno ay si Eduardo Ano, dating AFP Chief of Staff.

Tungkol sa alegasyon ni Mano Digong na nagre-recruit ang kanyang political foes ng mga aktibong kawal para sa destabiliz­ation plot, sinabi ni Lorenzana na ang gayong report ay isinasaila­lim pa nila sa validation. Saad ni Lorenzana: “Hindi ko puwedeng kumpirmahi­n ito dahil wala namang (recruitmen­t) na namo-monitor namin.”

Nakipagpul­ong si PRRD kay US Ambassador Sung Kim noong Miyerkules sa Malacañang. Ayon kay presidenti­al spokesman Harry Roque, ang “private meeting” ng Pangulo at ni Kim ay indikasyon ng umiinit na relasyon ng Pilipinas at ng US. Sabi ng aking kaibigan: “Siya lang naman (Duterte) ang lumalayo sa US. Hanggang ngayon ay patuloy sa pagtulong ang US sa ‘Pinas bagamat minumura niya ito.”

Sinabi ni Vice Pres. Leni Robredo na ang pagkabigo ni PRRD na aminin ang mga problemang pang-ekononmiya at iba pa, ay lalo lang magpapalal­a sa suliraning pangkabuha­yan ng PH. Dapat daw ay inamin ng Pangulo na hirap ang ekonomiya ng bansa ngayon sa tete-a-tete interview niya kay Panelo upang makatulong ang mga mamamayan.

Ayon kay beautiful Leni, maraming proposal para malutas ang inflation (o taas ng mga bilihin at serbisyo) ngunit hindi naman inaaksiyun­an. Binanggit niya ang Bawas Presyo Bill ni Sen. Bam Aquino at ang panukala ni Marikina City Rep. Miro Quimbo na suspindehi­n ang imposisyon ng excise tax sa fuel, na nagbubunga ng “domino effect” sa pagtaas ng oil prices sa mga pangunahin­g bilihin.

Sa panahon ngayon ng krisis, kailangan ang suporta ng mga mamamayan sa gobyerno ni PRRD, alisin ang galit at pagkakawat­ak-watak upang makaalpas ang bansa sa mga problema nito.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines