Balita

Reunion ng 4 na Sanggre, inaabangan na

- Nora V. Calderon

NAGULO ang Instagram nang mag-post si Glaiza de Castro (@glaizaredu­x) ng picture nila ng mga kapwa niya Sanggre ng Encantadia na sina Gabbi Garcia, Kylie Padilla, at Sanya Lopez.

Sa nasabing litrato, parang nagre-rehearse ang apat ng isang action scene, at one word lang ang caption ni Glaiza: “Abangan!”

Umani ng 63,660 likes at 1,547 comments ang nasabing post ni Glaiza.

A few hours later, nag-post ulit si Glaiza ng picture na naka-costume na silang apat. Ang caption niya: “Kumusta, mga warka?”

Nagkomento si Chynna Ortaleza (@ chynortale­za): “Whaaaa ang saya!!!”, na nakakuha naman ng 40,796 likes at 689 comments.

Nag-post din si Glaiza sa kanyang Instagram Story ng litrato na masaya silang magkakasam­a sa set.

Halos iisa ang comments ng mga netizens, kung ibabalik na raw ba ang Encantadia.

Matagal na kasing hinihiling at hinihintay ng fans ang pagbabalik-telebisyon ng nasabing fantaserye, dahil miss na miss na nila ang mga Sanggre. Nagpasalam­at na nga ang fans sa GMA kung sakaling tuluyan na ngang ibabalik ang telefantas­ya.

Komento ng netizen na si @ hiamyourpr­incess: “OMG I was waiting for this in years. I always umaasang having a Season 2. After the end of Encantadia I always watch it again and again. Avisala mga Sanggre.”

Sabi naman ni @cezynixx: “Sabi n’yo po titigil muna kayo sa pag-aartista katapos ng Contessa pero super saya ko at proud kasi bumalik pa rin kayo para mabuo ang mga Sanggre. I love you, Ate Glai.”

Say naman ni @ms_shyll: “Sana umpisahan na ang Season 2. Avisala mga Sanggre!”

Comment ni @eyah_29: “Dati hindi ako maka-Siyete, pero dahil sa apat na ‘to, Kapuso na ako, pati ibang palabas pinanood ko na rin! #sangre #kapuso.”

Bawat tanungin namin ay ayaw magsalita kung totoong gagawa na ng Book 2 ng Encantadia. Pero nabalita na ang page-guest ng apat na Sanggre sa Victor Magtanggol ni Alden Richards. Ito ay makaraang biglang lumabas ang litrato ni Glaiza sa pagtatapos ng action serye ng Pambansang Bae nitong Biyernes.

Una nang hiniling ng Encantadia fans na sana ay mag-guest naman nang magkakasam­a sa alinmang Kapuso show ang apat na Sanggre. Last month kasi, nag-guest sina Kylie, Gabbi at Sanya sa Daig Kayo Ng Lola Ko, pero hindi nila kasama si Glaiza.

 ??  ?? Gabbi, Kylie, Sanya, at Glaiza
Gabbi, Kylie, Sanya, at Glaiza

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines