Balita

Major solo concert ni Maricris Garcia sa Setyembre 28

-

SA pagdiriwan­g ng kanyang ika11 taon sa showbiz, gaganapin ang unang major solo concert ng Kapuso diva na si Maricris Garcia, na pinamagata­ng

MAR1CR1S, sa Teatrino, ngayong Setyembre 28.

Babalikan sa concert na ito ang nagdaang 11 taon ni Maricris sa industriya at pupunuin niya ito ng bigating performanc­es. Sariling konsepto ng Kapuso diva ang kanyang concert, na isinabuhay naman ng direktor na si Marc Lopez.

“The show is going to be more of a story telling type. I want to share my journey since I started my career up to the present, as well as my personal life, my music influences, and more,” kuwento ng Kapuso diva.

Kasama ni Maricris sa kanyang concert ang mga pambato sa kantahan na sina Nar

Cabico, Mark Bautista, at ang nag-iisang Asia’s Songbird, si Regine Velasquez-Alcasid.

Dahil ipinagdiri­wang din niya ang kanyang kaarawan ngayong buwan, handog ni Maricris ang concert sa kanyang sarili, maging sa kanyang fans.

Naging masaya ang pagsabak niya sa pagpoprodu­ce ng kanyang concert at nagpapasal­amat siya ng marami sa sumuporta rito, “During the first few months of planning, everything was easy. But as the days go by I’m started to feel the pressure and the stress. Good thing I have Artist Center and a few people who offered their help in making this concert possible.”

Ngayon, mas lumalim ang pagmamahal niya sa musika at nagpapasal­amat siya sa pagkakatao­ng maibabahag­i niya ito sa maraming tao. “I want to let them know that I’m still here and I will always be here, singing.”

Nakatakda ring maglabas si Maricris ng bagong kanta sa susunod na taon, at isasakto niya ito sa Valentine season.

Para sa tickets, maaaring tumawag sa 0917-8508747 o sa Teatrino sa (02) 741-2949, local 116. Mabibili ang mga ito sa halagang P1,800 para sa VIP, P1,300 sa Orchestra, at P800 naman para sa Balcony.

 ??  ?? Maricris
Maricris

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines