Balita

Mayweather, hahamunin si Pacquiao

- Gilbert Espeña

AGAW eksena si dating pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr. sa araw ng sagupaan nina Saul “Canelo” Alvarez at Gennady Golovkin na napagwagih­an ng Mexican sa 12-round majority decision nang ihayag na magbabalik ito a boksing para sumagupa kay WBA welterweig­ht champion Manny Pacquiao sa Disyembre.

Huling nagsagupa sina Mayweather at Pacquiao noong Mayo 2, 2015 sa Las Vegas, Nevada kung saan nagwagi sa 12-round unanimous decision ang Amerikano ngunit nabisto pagkaraan ng laban na may pinsala ang kanang balikat ng Pinoy boxer.

“I’m coming back to fight Manny Pacquiao this year. Another 9 figure payday on the way,” sabi ni Mayweather sa kanyang Instragram account.

Sa video na naganap sa music festival sa Tokyo, Japan, maririnig si Pacquiao na sinabing “I have the belt.” At sumagot naman si Mayweather ng “I’ll take it from you like I did before!”

Sumagot naman si Pacquiao sa kanyang Instagram account ng “50-1 #NoExcuses” na nagpapahiw­atig na palalasapi­n niya ng unang pagkatalo si Mayweather.

Kung matutuloy ang Mayweather-Pacquiao II, inaasahang panonoorin ito ng kanilang boxing fans at posibleng mawasak ang rekord na nagawa nila sa sagupaan noong 2015 na “highest grossing boxing match of all time.”

Tatangkain din ni Mayweather na pantayan ang world record ni WBC minimumwei­ght champion Wanheng Menayothin ng Thailand na perpektong 51 panalo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines