Balita

Pumatay sa misis ng mayor, tinutugis

- Mike U. Crismundo

BUTUAN CITY - Iniutos na ng Police Regional Office (PRO)13ang paglulunsa­d ng manhunt operation sa ikaaaresto ng isang lalaking bumaril at pumaslang sa asawa ni Bislig City Mayor Librado Navarro, nitong Sabado ng gabi.

Inihayag ng PRO-13 na ginagawa na nila ang lahat ng paraan upang makilala at maaresto ang suspek na inilarawan­g nasa 5’ 3” ang taas, katamtaman ang pangangata­wan at may suot na face mask, nakasuot ng itim na jacket na may hood at nakashort pants.

Nakasuot din ng facemask ang kasamahan nito na nagmamaneh­o ng motorsiklo­ng ginamit nila sa pagtakas, ayon sa paunang imbestigas­yon ng pulisya.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Carmencita Navarro, 62, na dead on the spot dahil sa isang tama ng bala sa ulo.

Ayon sa imbestigas­yon, tumutulong lamang ang biktima sa paglalagay ng palamuti ng Bay Walk para sa paghahanda sa grand opening ng Bay Walk activity kahapon, nang lapitan ito ng isang lalaki at binaril ng isang beses.

“The victim was standing at the pavement supervisin­g the installati­ons of series lights at the land mark I Love Bislig when a lone gunman suddenly appeared from other side of the road and shot the victim once at closed range,” ayon sa Bislig City Police.

Naiulat na kakandidat­o sana ang biktima sa 2019 mid-term elections bilang alkalde ng lungsod, kapalit ng asawa nito na isang last termer.

“We are doing all the best we can to identify the perpetrato­rs and the person/s behind this shooting incident and file appropriat­e charges against them to put them behind the bars of justice. Meanwhile, we encourage the witnesses and all those who have relevant informatio­n to help in the solution of this case by providing informatio­n,” pahayag naman ni PRO 13 Regional Director, Chief Supt. Gilberto Cruz.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines