Balita

Bagong viral video ni Mocha, binatikos na naman

- Leonel M. Abasola

Umani ng batikos mula kay Senador Nancy Binay ang bagong kontrobers­iyal na video ni Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson at ng blogger na si Drew Olivar, kung saan pinagkatuw­aan ng mga ito ang sign language.

Ang nasabing video nina Uson at Olivar ay naging viral ilang araw matapos na aprubahan ng Senado ang Filipino Sign Language Act.

“Bilang author at co-sponsor ng Filipino Sign Language Bill, na naglalayon­g kilalanin at suportahan ang pagpapatup­ad ng sign language sa lahat ng transaksyo­n at sa edukasyon ng deaf community na kakapasa lang ng Senado, nababahala ako sa epekto ng ganitong pangunguty­a at panghamak,” sabi ni Binay.

“Such discrimina­tory actions set back our efforts to make our society more inclusive by providing a more conducive environmen­t for deaf Filipinos to exercise their right to expression without prejudice. I wish to remind Asec. Mocha that as a public official, it is paramount that she refrain from mocking the people she serves,” sabi pa ni Binay.

Sinegundah­an naman ni Senador Bam Aquino ang sinabi ni Binay: “We hope to build a society where every Filipino is valued and respected. Let’s support and empower the Filipino deaf community.”

Humingi na ng paumanhin si Olivar sa nangyari.

Ang bagong viral video ay lumabas ilang buwan makaraang umani rin ng pagtuligsa ang “pepededera­lismo” video nina Uson at Olivar upang isulong ang pederalism­o sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines