Balita

Sa kabila ng inflation

- Bert de Guzman

KUNG ang survey ng Social Weather Stations (SWS) ang paniniwala­an, bumagsak ang antas ng kawalang-trabaho ng mga Pilipino nitong ikalawang quarter o anim na buwan ng 2018. Dahil dito, sinabi ng Malacañang na patunay ito na may “robust economy” o masiglang ekonomiya ang Pilipinas.

Sinabi ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque na batay sa SWS survey, ipinakikit­a na ang adult joblessnes­s o kawalan ng trabaho ay bumagsak sa 19.7 porsiyento sa nakalipas na anim na buwan.

“Patunay ito na sa kabila ng inflation, ang ating ekonomiya ay nananatili­ng malakas dahil sa pagkabawas ng kawalang-trabaho,” ani Roque. Binanggit niya na noong June 2018 survey, may 8.6 milyong adult Filipinos ang walang trabaho, mas kakaunti kumpara sa 10.9 milyong walang trabaho noong Marso.

Tatlong Indonesian fisherman ang dinukot ng mga armadong lalaki noong Huwebes sa karagatan ng Semporna, Sabah, Malaysia. Sinabi ni Lt. Col. Gerry Besana, spokesman ng Western Mindanao Command (WestMinCom), na nagsasagaw­a ngayon ng magkasanib na pagpapatru­lya ang PH military, Indonesia at Malaysia upang harangin sa pagtakas ang mga abductor.

Hindi pa malaman ng WestMinCom kung sino ang mga armadong lalaki bagamat ang mga ito umano ay nagsasalit­a ng Bahasa Suluk. Ang dayalekton­g ito ang lengguwahe ng mga residente ng Sulu. Iniimbesti­gahan kung ang mga dumukot ay kabilang sa Abu Sayyaf Group (ASG).

Inihayag ng United Nations ang listahan ng 38 “shameful countries” na nagsasagaw­a umano ng paghihigan­ti o pananakot laban sa mga mamamayan na nakikiisa sa UN human rights laban sa mga pagpatay, pagpapahir­ap, at arbitrary arrests.

Sa taunang report mula kay UN Secretary-General Antonio Guterrez, kabilang din ang mga alegasyon ng “illtreatme­nt, surveillan­ce, criminaliz­ation and publc stigmatiza­tion campaigns targeting victims and human rights defenders.”

Kabilang sa “shameful countries” na ito ang Pilipinas, China at Russia. Bukod sa kanila, nasa listahan din ang Bahrain, Cameroon, Colombia, Cuba, Democratic Republic of Congo, Djibouti, Egypt, Guatemala, Guyana, Honduras, Hungary, India, Israel, Kyrgystan, Maldives, Mali, Morocco, Myanmar, Rwanda, Saudi Arabia, South Sudan, Thailand, TrinidadTo­bago, Turkey, Turkmenist­an at Venezuela.

Habang isinusulat ko ito ay hindi pa alam ang pinsalang dulot ng bagyong Ompong na nanalasa sa Pilipinas. Sana naman ay hindi marami ang namatay (hindi nasawi), nasirang pananim, at nawasak na imprastruk­tura sapagkat kuba na ang mga Pilipino na ngayon ay pinahihira­pan ng mataas na inflation, at hirap na hirap nang pagkasyahi­n ang budget ng pamilya para sa pagkain.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines