Balita

Patas na labanan sa World Pitmasters Cup

-

SINIGURO ng organizers ng 2018 World Pitmasters Cup (Masters Breeders Edition) 9-Stag Internatio­nal Derby ang patas na laban para sa pinakamala­king pasabong ng taon simula sa Setyembre 20 sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila.

“Ang atin pong misyon ay mabigyan ng pagkakatao­n ang lahat ng sabong enthusiast gayundin ang ating mga breeders nang pagkakatao­n na mailaban nila ang kanilang pinakamahu­husay na alaga. Yung mga problema sa mga nakaraan, naayos natin at ngayon ay siguradong exciting ang ating mga laban,” pahayag ni breeder Atong Ang sa ginanap na media briefing kahapon.

Hindi kukulangin sa 400 ang kumpirmado­ng magtutuos, idagdag pa ang 30 matitigas na maglalaban sa P220K Entry Fee, One-Day 7-Stag Big Event sa Setyembre 23.

Handog nila Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea & Gov. Eddiebong Plaza, at tulong nila Eric dela Rosa & Ka Lando Luzong, ang world-class event na ito ay may buong suporta ng gold sponsor Thunderbir­d Platinum – sa paluan ‘di mauunahan at Thunderbir­d Bexan XP.

Sa Setyembre 20, 21 & 22, gaganapin ang tatlong magkakahiw­alay na 2-stag eliminatio­ns na susundan ng one-day 7-stag blowout sa Set.

23. Ang tatlong 3-stag semis ay nakatakda sa Set. 24, 25 &

26. Ang 4-stag finals para sa lahat ng lahok na may 2, 2.5, 3 o 3.5 puntos pagkatapos ng semis ay maghaharap sa Set. 28, samantalan­g ang mga may 4, 4.5 or 5 puntos ay magtutuos para sa korona sa 4-stag grand finals sa ika-30 ng Setyembre.

Maghaharap para sa isang Red Flag format sa 7-Stag Big Event sina Richard Perez (Riper), Joey Delos Santos, Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea, Gov. Eddiebong Plaza, Eric dela Rosa, Anthony Lim, Eddie Gonzales, Arman Santos, Mayor Goto, JR Tolentino, Gov. Ito Ynares, Dori Du, Fiscal Villanueva, Vice Mayor Mercado, Buboy Delos Santos, Maam Procy, Bong Pineda, Aldo Mercado, Gov Claude Bautista, Coun. Marvin Rillo, Ricky Magtuto at Raymond Dela Cruz kasama si Mayor Jesse Viceo.

Ang mga interesado­ng sumali ay maaring kumontak gamit ang Facebook Page 2018 World Pitmasters Cup 9-Stag Internatio­nal Derby o sa cellphone number 0927-8419979.

 ??  ?? PORMALna inilunsad ang 2018 World Pitmasters Cup (Masters Breeders Edition) 9-Stag Internatio­nal Derby kahapon sa tradisyuna­l na ‘patuka’.
PORMALna inilunsad ang 2018 World Pitmasters Cup (Masters Breeders Edition) 9-Stag Internatio­nal Derby kahapon sa tradisyuna­l na ‘patuka’.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines