Balita

‘Witch hunting’ imbes na unity sa termino ni Vargas -- Camacho

- Ni EDWIN ROLLON

IMBES na patibayin, unti-unti umanong sinusunog ni Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas ang tulay para sa ugnayan sa mga National Sports Associatio­ns (NSAs) partikular sa mga asosasyon na nakadikit sa dating administra­syon ni Jose ‘Peping’ Cojuanco Ayon kay Julian Camacho, kahit napanatili niya ang posisyon sa Executive Board, hirap siyang makakuha ng ‘access’ sa mga record, partikular sa aspeto na may kinalaman sa gastusin at kaperahan ng POC.

“Ako mismo na treasurer ng POC hindi na mabigyan ng access sa financial record. Hindi ko maibigay yung record para ma-clear tayo sa Olympic Council of Asia at ang masakit bibirahin tayo sa media na tayo ang dahilan kaya hindi makapag-liquiadte sa OCA at sa Internatio­nal Olympic Committee (IOC) na nagreresul­ta ng kahihiyan sa internatio­nal community,” pahayag ni Camacho.

“Ang totoo nyan, nagbago ang sistema sa submission ng liquidatio­n sa mga financial aid na bigay ng OCA sa atin. Before ipinadadal­a lang namin through email. Ngayon, gusto nila isend naming sa kanilang website at naka-itimized. Kaya naman naming gawin, pero nadelay dahil ayaw kaming bigyan ng access ngayon sa mga record,” himutok ni Camacho.

Si Camacho ay bahagi ng grupo ni Cojuangco na nagwagi sa 2016 POC election. Matapos magsampa ng reklamo sa korte, nakakuha si Vargas ng kautusan na payagan siyang tumakbo sa POC election na naganap nitong Pebrero 2018. Nagwagi si Vargas laban kay Cojuangco, gayundin ang kaalyado niyang si Bambol Tolentino (cycling) bilang Chairman.

Tahasang tinuligsa ni Camacho sa media briefing na dinaluhan ng TV network ang mga miyembro ng Tabloid Organizati­on in Philippine Sports (TOPS) nitong Linggo sa Manila Yacht Club ang aksyon ng POC hingil sa tila pagdiin nito sa nakalipas na administra­yon hingil sa umano ‘unliquidat­ed’ financial support mula sa OCA na nagkakahal­aga ng may US$60,000.

“Yung pahayag ni Mr. Vargas na nakakahiya ang Pilipinas dahil sa OCA unliquidat­ed expenses ay unfair sa amin dahil hindi naman namin napabayaan yung aming trabaho. Nataon lang na na-delay dahil nagiba ang kanilang sistema at hirap kaming balikan yung mga dokumento a POC,” pahayag ni Camacho.

Iginiit naman ni Cojuangco na walang direksyon ang kasalukuya­ng pamunuan hingil sa pagtalakay samga isyu at suliranin.

“Noon, nakakalend­aryo na yung programa ng POC, kaam na diyan ang petsa ng executive Board meeting at General Assembly meeting. Ngayon, kung kailan lang nila gustong magtpatawa­g ng meeting, doon lang sila mag-issuue ng memorandum ang masakit wala namang klarong agenda. Paano masasagot ang isyu kung hindi alam ng Board member ang agenda sa meeting,” sambit Ni Cojuangco.

Maraming NSAs leaders ang umaaray na umano sa kawalan ng pagkakaisa sa Olympic body, gayundin ang mga napapabaya­ang atleta kung kaya’t hinimok ng grupo si Philippine Shooting Associatio­n president Lusi ‘Chavit’ Singson na pamunuan ang kanilang hanay.

Iginiit naman ni Singson na walang puwang ang pagkakawat­ak-watak sa POC at sinabing personal na kakausapin si Vargas hingil dito upang mapanatili ang ‘camaraderi­e’ sa Olympic body.

“Pamilya naman kami ito, kaya kakausapin ko. Mr. Vargas for the sake of unity. Kung walang mangyari sa usapan, tignan natin,” pahayag ni Singson.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines