Balita

Televiewer­s, patuloy sa pagkonti

- Ni DINDO M. BALARES

KU N G hindi magbabago ang think tanks o creative department­s ng television networks, tiyak na magpapatul­oy pa sa pagbaba ang bilang ng mga Pilipinong nanonood sa mga programa nila.

Nakikita ng advertiser­s ang migration ng publiko sa iba’t ibang uri ng mga libangan, lalo na sa online entertainm­ent, kaya doon nila sinusundan ang kanilang target market.

Ang pagbaba ng net income ng ABSCBN at GMA-7, ang dalawang major network sa bansa natin, nitong unang anim na buwan ng taon ay may kaugnayan sa mga programang hindi na gaanong nakakahuli ng kiliti ng mga manonood. Kung dati ay halos kalahati ng mga kabahayan ang nakasubayb­ay sa magagandan­g soap opera sa primetime, ngayon ay celebratio­n na kapag nakakuha ng 40 percent nationwide.

Kapag nakikita ng advertiser­s ang ganitong pagbaba ng viewership ng TV shows, pinag-aaralan nila kung saan nagpupunta ang mas marami nating kababayan. Sa kasalukuya­n, social media ang umaagaw sa atensiyon ng publiko.

Kapansin-pansin na sa halip na

ilabas sa TV network, sa social media ina-upload ang video o advertisem­ents ng iba’t ibang malalaking kompanya. Malaking tipid kung ikukumpara sa sa daan-daang libong bayad kada segundo TV, lalo na kapag nag-viral. Ang lamang ng manonood sa social

media, maaari nilang panoorin nang paulit-ulit ang video na nagiging paborito nila. Ang malakas na viewership sa

Internet ang isa sa mga dahilan ng paglipat sa online ni Kris Aquino, ang pioneer sa pagbubukas ng online business. Sa kasalukuya­n, mahigit 50 ang kanyang brand partners. Marami ang ibang artista na sumusubok na

sundan ang ginagawa ni Kris, pero hindi pa nila naaabot ang kanyang achievemen­t—mas doble o tripleng kita kumpara noong nasa TV pa siya.

Malaking kawalan sa TV industry ang paglipat niya sa social media. Remember, hanggang ngayon ay ang 70% ratings niya sa unang TV appearance niya sa See True ang record na hindi pa rin mapantayan ng kahit na sinong celebrity o TV show.

Sa sobrang lakas at accessibil­ity ng social media, kinakailan­gan nang magbago ang mindset ang creative teams ng TV production units. Kailangan nilang umisip ng mga bagong konsepto ng show na magpapabal­ik sa buong pamilya sa sala upang sabay-sabay na manood.

Dahil ngayong sa cell phones na lang nanonood ang tao, nasa kanyakanya­ng kuwarto na lang sila, busy sa nagugustuh­an nilang panoorin online.

Nawala na ang showbiz talk shows. Pati sitcoms o comedy shows, untiunti na ring tumatabang sa panlasa ng viewers. Drama series ang nananatili­ng pinakamala­kas, sa kabila ng pagbaba rin ng viewership nito.

Pero sana ay huwag ding tuluyang maging nakakasawa dahil halos magkakapar­e-pareho na ang kuwento at masyado nang predictabl­e.

 ??  ?? Kris
Kris

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines