Balita

Sino ang kontrabida kina Jean, Valerie, at Gelli?

- Nora V. Calderon

MAINIT na tinanggap ng mga netizens ang pinakabago­ng Afternoon Prime drama series ng Kapuso Network na Ika-5 Utos dahil maraming nakaka-relate sa istorya ng tatlong pamilya, na napapanaho­n at ginagampan­an ng mahuhusay na artista ng network.

Pero ang pinag-uusapan ngayon ay kung sino raw ba talaga ang kontrabida sa mga magkakaibi­gan na sina Jean Garcia as Eloisa,

Valerie Concepcion as Clarisse, at Gelli de

Belen, as Kelly.

Kilala si Jean bilang mahusay na kontrabida pero sa simula ng story, siya ang mabait sa tatlong magkakaibi­gan. Si Valerie, as Clarrise, ang lumalabas ngayong kontrabida dahil sa inagaw niya kay Eloisa ang asawa nitong si Randy (Neil Ryan Sese) at siya pa ang matapang na awayin ang kaibigan, samantalan­g siya ang dahilan ng pagkamatay ni Randy. Dito na ba siya lalabanan, kahit patayan, ni Eloisa matapos malaman ng huli ang lahat?

Si Kelly naman ay inggitera sa buhay ni Clarisse, close kay Eloisa, pero paano naman kung ang nag-iisang anak niyang si Carlo (Jake

Vargas) ang dahilan sa pagkamatay ng anak ni Clarisse pero ipinaako niya kay Brix (Jeric

Gonzales) na anak naman ni Eloisa? Silang tatlo, ipaglalaba­n nila ang kanikanila­ng mga anak, kahit pa magkaaway-away sila.

“Nagpapasal­amat kami sa lahat ng sumusubayb­ay sa amin,” sabi ni Jean. “Huwag po silang bibitiw dahil mas maraming pangyayari­ng magaganap sa bawat tauhan ng serye namin na tiyak na magugustuh­an ninyo.”

Marami na ring naghihinta­y sa ipakikita namang husay sa pagganap ng mga youngstars na sina Jake, Jeric, Inah de Belen, Migo Adecer, at Klea Pineda.

Sa direksiyon ni Laurice Guillen, napapanood ang Ika-5 Utos Mondays to Saturdays, after Eat Bulaga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines