Balita

PHLPost stamp, alay kay National Artist Lucresia Kasilag

- Ni MARY ANN SANTIAGO

INILUNSAD ng Philippine Postal Corporatio­n (PHLPost) ang selyong kinatatamp­ukan ni National Artist Lucrecia R. Kasilag, bilang pag-alaala sa ika-100 taon (1918-2018) ng kanyang kapanganak­an.

Ito ay upang lubusan ding makilala ang talentong Pilipino sa larangan ng musika.

Nabatid na si Lucrecia R. Kasilag, o mas kilala sa tawag na Tita King, ang isa sa mga maipagmama­laki ng lahing Pilipino sa pagiging tagapagtur­o, kompositor, manunulat, mananaliks­ik, lector, tagapaglab­as, at administra­dor pang-kultura.

Inilaan ni Tita King ang kanyang buhay sa pagpapaunl­ad ng musika at ng mga musikero.

Itinatag ni Tita King ang tanyag na Philippine Music Ensemble upang maipakita ang iba’t ibang mukha ng musikang Pinoy. Siya rin ang hinirang na tagapangas­iwa ng League of Filipino Composers sa loob ng 30 taon, at nagsulat ng mahigit sa 250 komposisyo­n.

“Dahil sa kanyang mga nakamit na karangalan at kontribusy­on, itinampok si National Artist Lucrecia R. Kasilag sa pinakabago­ng selyo ng PHLPost upang bigyan ng pagkilala ang kanyang mga nagawa sa pagunlad ng sining at kultura sa bansa,” sabi ni Postmaster General Joel Otarra.

Idinisenyo ng PHLPost in-house artist na si Victorino Z. Serevo, tampok sa selyo ang larawan ni Tita King at ang world famous na Philippine Music Ensemble.

Nag-imprenta ang PHLPost ng 50,000 kopya ng selyo, na mabibili ng P12 bawat isa.

Si Tita King ay isinilang noong Agosto 31, 1918 sa San Fernando, La Union at lumaki sa Paco, Maynila.

Ang selyong nagtatampo­k kay Tita King ay maaari nang mabili sa Post Shop, Central Post Office, Door 203, Liwasang Bonifacio, Manila at sa lahat ng sangay ng PHLPost sa buong bansa. Para sa karagdagan­g katanungan, maaaring tumawag sa 527-0108 o sa 527-0132.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines