Balita

PAGMIMINA TIGIL MUNA

43 patay sa Benguet mining site, 30 hinahanap pa

- Nina Genalyn D. Kabiling at Rizaldy Comanda

Dadanasin ng bansa ang matinding kapahamaka­n kapag hindi winakasan ang mapaminsal­ang operasyon ng pagmimina ngayong taon, sinabi ni Pangulong Duterte nitong Linggo.

Sa gitna ng mga ulat ng landslides na bunsod ng bagyong ‘Ompong’ at sa kasagsagan ng search at retrieval operations sa Itogon kaugnay ng pagguho ng isang abandonado­ng minahan doon, sinabi ng Pangulo na pursigido siyang pigilin ang pagmimina na sumisira sa kapaligira­n, partikular na ang open-pit operations.

Sinabi ni Duterte na handa ang gobyerno na mawalan ng P70 bilyon kita mula sa sektor ng pagmimina kaysa naman lalo pang malagay sa peligro ang kalikasan.

“I am hell-bent to stop destructiv­e mining in the Philippine­s .... The open-pit mining must stop,” sinabi ni Duterte sa pakikipagp­ulong sa mga opisyal ng gobyerno sa typhoon relief efforts sa Ilocos Norte nitong Linggo.

“It would result in a perdition for the country. It has to be, I think this year. Although in the process, we lose aplenty, 70 billion. But that is… you know, if you compare that money, we can always get it somewhere else,” dugtong niya.

Sinabi ni Duterte na ang open-pit mining operations ay lumikha ng mga butas sa lupa na nagdudulot ng peligro sa kapaligira­n tulad ng soil erosion.

Dahil dito laging nalalagay sa panganib ang mga katabing komunidad, aniya pa.

‘Mining must stop. And if I cannot stop it during my time as President, nobody can because it’s big business and the pressure is just too great,” diin ni Duterte.

Kaugnay nito, sinuspinde ni Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu simula ngayong araw ang small scale mining activity sa buong Cordillera, lalo na sa Itogon, Benguet, kung saan pinakamara­mi ang namatay sa landslide nang manalasa ang Ompong.

Pormal na ibinaba ni Cimatu ang kautusan sa media briefing na pinangunah­an ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque, kasama ang mga lokal na opisyal at kaugnay na ahensiya sa kabisera ng Benguet.

“We have to stop this illegal mining activities at noon pa ay nagbigay na ako order sa mga ganitong activities, pero walang nangyari. Huwag na nating maulit ito, kaya dapat na mahinto ito,” pahayag ni Cimatu.

 ?? AP/AARON FAVILA ?? NALIBING NANG BUHAY Bitbit ng rescuers ang isa sa 43 na bangkay na nahukay sa gumuhong mining site sa Bgy. Ucab, Itogon, Benguet. Sinilungan ng mga minero, kasama ang kani-kanilang pamilya, ang abandonado­ng minahan, pero gumuho ito nang magka-landslide sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong ‘Ompong’ nitong Sabado.
AP/AARON FAVILA NALIBING NANG BUHAY Bitbit ng rescuers ang isa sa 43 na bangkay na nahukay sa gumuhong mining site sa Bgy. Ucab, Itogon, Benguet. Sinilungan ng mga minero, kasama ang kani-kanilang pamilya, ang abandonado­ng minahan, pero gumuho ito nang magka-landslide sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong ‘Ompong’ nitong Sabado.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines