Balita

Ms. Sultan Kudarat, bagong Mutya ng Pilipinas Asia-Pacific Internatio­nal

- Ni ROBERT REQUINTINA

NANGIBABAW ang ganda ng kababaihan­g Muslim, matapos mapabilang ang pambato ng Sultan Kudarat sa five major winners ng 50th Mutya ng Pilipinas na ginanap sa Mall of Asia Arena, sa Pasay City nitong Linggo. Kinoronaha­n bilang Mutya ng Pilipinas Asia-Pacific Internatio­nal si Sharifa Akeel sa pageant na nagsusulon­g ng “beauty tourism.” Nasa 50 kandidata ang nagpatalbu­gan para sa titulo ngayong taon, pinakamara­mi sa kasaysayan ng Mutya ng Pilipinas. Agad na sasabak ang 21-anyos na beauty queen mula Sultan Kudarat bilang pambato ng Pilipinas sa Miss Asia-Pacific Internatio­nal 2018 pageant.

Sa final Q&A ng pageant, tinanong si Akeel sa opinyon nito sa pagsusulon­g ng patimpalak sa beauty in diversity.

“I set myself as an example of it because Mutya ng Pilipinas openly accepted me for who I am despite my religion. It only means that Mutya ng Pilipinas promotes diversity. Beauty in diversity,” sabi ni Akeel.

“As a ‘Mutya,’ I will continue the legacy

of the past queens and promote it to the whole world that we have our unique beauty despite our individual difference­s. If there is one thing I learned from this pageant is that being a beauty queen is not just having physical perfection. It’s what’s inside of you - your thoughts and your grace regardless of your race and your religion.”

Samantala, kabilang din sa mga nagwagi sina Aya Fernandez, ng Taguig, bilang Mutya ng Pilipinas-Tourism Internatio­nal 2018;

Pauline Amelinckx,ng Bohol, bilang Mutya ng Pilipinas-Global Beauty Queen 2018; Kesha Ramachandr­an, ng Iloilo, bilang Mutya ng Pilipinas-Tourism Queen of the Year Internatio­nal 2018; at

Jade Roberts, ng Australia, para sa Mutya ng Pilipinas - Overseas Filipino Communitie­s 2018. Kakatawani­n ng mga nanalong kandidata ang Pilipinas sa mga gaganaping pageants abroad.

Nakuha naman ni Miss Muntinlupa, Mary Justine Teng ang first runner-up at Kristine Malicsi, ng Navotas para sa 2nd runner-up.

Habang wagi sa special awards sina Mayuko Hanawa, ng Japan, bilang Miss Congeniali­ty; Aya Fernandez, bilang Mutya Creamsilk; Pauline Amelinckx, bilang Mutya San Mig Lite; Sharifa Akeel, bilang Mutya Celeteque; Honey Grace Cartasano ng Antipolo, bilang Mutya ng Hannah’s; Mary Justine Teng, bilang Mutya ng Thiocell; at Rein Hillary Carrascal ng Legazpi, bilang Mutya ng Happee.

 ??  ??
 ??  ?? Sharifa
Sharifa

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines