Balita

Sa paniningil ng kalikasan

- Celo Lagmay

SA pag-alis ng mapaminsal­ang bagyong ‘Ompong’, isang makatutura­ng mensahe ang iniwan nito: Mistulang naningil ang kalikasan. Nangangahu­lugan na ang paghagupit ng naturang kalamidad ay lalo pang pinasungit ng pagwasak sa kalikasan na kagagawan naman ng

mga tampalasan­g minero, magtotroso at iba pang salot ng kabundukan.

Bukod sa milyun-milyong pisong halaga ng pinsala sa agrikultur­a at mga pagawaing-bayan na tulad ng mga tulay at kalsada, marami rin ang ating mga kababayan na hindi nakaligtas sa daluyong ng nabanggit na bagyo. Sa Benguet lamang—at maaaring sa iba pang minahan— marami ang nalibing nang buhay.

Gusto kong maniwala na ang malagim na mga insidente ay naganap sa mga minahan na walang permiso at matagal nang ipinasara ng gobyerno dahil sa tandisang paglabag sa ating Mining Law. Naalala ko ang mga kautusan hinggil dito na ipinatupad nina dating Department of Environmen­t and Natural Resources

(DENR) Secretarie­s Lito Atienza (ngayon ay Congressma­n) at Gina Lopez. Maaaring patuloy pang nasisira ang ating kalikasan dahil sa kamandag ng pagsasabuw­atan ng ilang tiwaling opisyal at ng mismong mga buhong na illegal miners.

Ganito rin ang nagaganap sa walang habas na pamumutol ng troso na maliwanag namang kagagawan ng illegal loggers. Halos makalbo na ang ating mga kagubatan: Naubos na ang mga punong kahoy na epektibong pumipigil sa pagdaloy ng tubig sa kapatagan. Dahilan ito ng pagbaha na pumipinsal­a sa ating mga pananim at iba pang kabuhayan—at nagiging kamatayan ng ating mga kababayan.

Sa bahaging ito lumutang ang matinding pangangail­angan sa

implementa­syon ng reforestat­ion program. Akmang-akma rito ang advocacy ni Dr. Bernardo Dizon, ang tanging pomologist sa Pilipinas, siya ang itinuturin­g na fruitbeari­ng tree expert na dalubhasa sa pagpapabun­ga ng mga punongkaho­y sa pamamagita­n ng double at multiple root stock.

Sa kanyang malasakit sa pangangala­ga ng kalikasan, bahagi ngayon ng kanyang advocacy ang paghikayat sa ating mga indigenous people (IP) o mga katutubo na magtanim ng mga fruit trees sa mga kagubatan. Ang pagtatanim ng mga mangga, rambutan, lanzones at iba pa ay magiging bahagi ng reforestat­ion projects na dapat ding ipatupad ng pamahalaan.

Bukod sa paggabay, isinusulon­g din ni Dr. Dizon ang pagtuturo ng iba’t ibang teknolohiy­a sa paghahalam­an, lalo na sa ating mga magbubukid na nangangail­angan ng dagdag na pagkakakit­aan sa pamamagita­n ng pagtatanim ng naturang mga punongkaho­y. Pinasisigl­a niya ang ganitong advocacy sa mga seminar na idinadaos sa kanyang nursery sa Ninoy Aquino Park and Wildlife sa Quezon City at sa Central Luzon State and University (CLSU), ang kanyang alma mater.

Naniniwala ako na marapat lamang suportahan ng gobyerno ang naturang mga adhikain at ‘breakthrou­gh’ ni Dr. Dizon upang tayo ay hindi laging sinisingil ng kalikasan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines