Balita

Mga dukha ang napapanago­t

- Ric Valmonte

ANG unang pinakamala­king importasyo­n ng shabu na nagkakahal­aga ng P6.4 bilyong ay nakalusot na sa Bureau of Customs (BoC). Dahil sa tip ng Chinese enforcemen­t agency, natunton ang naturang shabu sa isang warehouse sa Valenzuela.

Ang House Committee on Public Safety ni Cong. Ace Barbers ang siyang agad nag-imbestiga rito. Pero,

maingat itong ginawa upang ilagay lang ang pananaguta­n sa level ni Faeldon at sa iba pang nakasama niya sa mutiny laban kay dating Pangulong Gloria na kaempleyad­o niya sa BoC.

Ganito rin sana ang nais gawin sa Blue Ribbon Committee nang sumunod nitong imbestigah­an ang nasabing iskandalo. Dito nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Chairman Richard Gordon at Sen. Antonio Trillanes IV. Nais ipatawag ni Trillanes sa imbestigas­yon si Vice Mayor Paolo Duterte ng Davao, anak ng Pangulo, at si Atty. Mans Carpio, ang kanyang manugang na asawa ni Mayor Sara Duterte, dahil nabanggit na ang kanilang mga pangalan.

Tutol man si Gordon, wala siyang nagawa kundi ipatawag

ang dalawa. Dito naganap iyong pag-amin ni VM Duterte na may tattoo siya sa likod sa pagtatanon­g ni Sen. Trillanes. Subalit nang hilingin ng Senador na ipakita niya ito, tumanggi siya. Ayon sa Senador, ang tattoo na ito ay patunay na kasapi siya ng sindikato ng droga na nago-operate sa Asya.

Bagamat inamin naman ni Atty. Carpio na nakipagkit­a siya noon kay Faeldon, sinabi niyang ito ay kaugnay ng transaksiy­on ng kanyang kliyente sa BoC.

Ibinasura ng Department of Justice (DoJ) ang kasong isinampa laban kay Faeldon kaugnay ng P6.4-bilyon shabu shipment. Pero, dinidinig pa lang ang kanyang kaso, tinanggal siya bilang BoC Commission­er at inilipat siya sa Department of National Defense.

Samantala, sinampahan naman ng DoJ ng drug importatio­n case ang siyam na suspect, kabilang dito ang umano ay fixer na si Mark Ruben Taguba II, Chen J Long, aka Richard Tan, Richard Chen, Cebu-based businessma­n Kenneth Dong, Eirene Mae Tatad, customs broker Teejay Marcellana, at iba pa.

Si Chen ang may-ari ng kumpanyang nagpasok ng kargamento kabilang ang shabu. Si Kenneth naman ang tumulong para maipasok ang kargamento sa pangalan ni Marcellana bilang consignee. Ang problema, idinismis ng Regional Trial Court ng Valenzuela, Branch 171 ang kaso dahil wala itong hurisdiksy­on. Ang importasyo­n ay nangyari sa Maynila, kaya dito inilipat ng DoJ ang kaso.

Pero nagsampa na naman ang

DoJ ng kasong drug transporta­tion at delivery laban sa mga akusado sa Valenzuela. Ibinasura ng Valenzuela RTC Branch 284 ang kaso dahil, aniya, forum-shopping na ang ginawa ng mga abogado ng gobyerno.

Ang natirang kasong kaugnay dito sa P6.4-bilyon shabu shipment ay ang ilegal na importasyo­n na na-dismiss sa Valenzuela at inilipat ng DoJ sa Maynila. Ang naiwang nililitis sa Valenzuela for possession of illegal drugs ay ang namahala ng warehouse na si Fidel Anoche Dee.

Dito talaga hahantong ang pagsisikap ng gobyerno na mapanagot ang responsabl­e sa pagpapalus­ot sa BoC ng P6.4 bilyon halaga ng shabu. Ganito naman kasi ang nangyayari sa war on drugs ng administra­syon, ang mga dukha ang naiipit at napapatay.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines