Balita

Arjo, napipilita­ng umayaw sa dami ng movie offers

AKO ANG NO. 1 FAN NG MGA ANAK KO —SYLVIA

- Ni REGGEE BONOAN

ILANG buwan nang hindi napapanood sa telebisyon si Sylvia Sanchez. Pahinga muna siya sa ngayon kaya naman panay ang bakasyon niya at panay din ang pagluluto para sa pamilya.

“Nananahimi­k muna ako ngayon, gusto ko munang huminga para pagbalik ko, eh, dire-diretso na naman at magiging busy. Buhay na buhay na naman ako,” say ni Ibyang.

Hirit namin, hindi naman siya totally tahimik dahil aktibo siya sa social media. At doon kinukuha ang mga balitang nasusulat tungkol sa kanya.

“Eh, ganun talaga. Nagpo-post ako lalo na kapag napa-proud ka sa mga anak mo,”sabi ng aktres.

Bukod sa social media, visible rin si Ibyang sa lahat ng Beautederm launching, dahil suportado niya ang lahat ng gaya niya ay nagbukas din ng kani-kanyang franchise.

“Siyempre tulad ko na nagbukas din ng tindahan, gusto kong suportahan. At tulad ng iba, hindi rin ako magbubukas nang hindi ko ginagamit, kasi unang-una hindi biro ang puhunan. Ang hirap kayang umiyak sa taping (ng katatapos niyang serye na The Greatest Love at Hanggang Saan), lalo na ‘pag puyat,” pag-amin ng aktres.

Speaking of taping, nakipag-meeting na si Ibyang para sa susunod niyang proyekto sa ABS-CBN, na hindi muna niya binanggit ang detalye. May mga tinanggiha­n din siyang pelikula.

“May movie offer na pumasok pero out of town ang shooting. Tapos ‘yung sa amin ni Arjo (Atayde) at serye soon. So far ‘yang tatlo pa lang ang sure,” kuwento ng aktres.

Binanggit namin na noon ay gustung-gusto ni Arjo na magkaroon kahit na isang pelikula lang, pero ngayon ay kaliwa’t kanan na ang ginagawang pelikula ng kanyang anak. At bilang ina ay sobrang proud si Ibyang kay Arjo.

“Natatarant­a siya ngayon, siya ngayon ang naloloko na, kasi hindi niya matanggap lahat. Actually, hindi yabang pero may anim o pitong pelikula ang tinanggiha­n na niya.

“Nakakatuwa kasi hindi dumating sa akin na inoperan ako ng six movies sabay-sabay. Pero itong anak ko inoperan kaya nakakatuwa bilang nanay. Tapos si Ria (Atayde) sunud-sunod din ang projects, kaya nakakatuwa sila.

“Yung mga hindi ko naranasan, nararanasa­n ng mga anak ko. So okay na ako, masaya na ako. Ngayong sila ang mayroon shows, teleserye, at pelikula masaya ako, dahil ako naman ang walang ginagawa dahil nag-decide rin naman ako.

“Ang saya-saya ko lalo na kapag sinabing mas magaling sa akin ang mga anak kong umarte. Ay, ang saya ko! Mas okay kaysa sabihing mas magaling akong umarte kaysa sa mga anak mo, nakakalung­kot ‘yun. At nakakatuwa kasi na laging sinasabing mas busy mga anak ko, sabi ko, ‘thank you.’ Kaysa sabihing mas ako ang busy o mas ako ang magaling, nakakalung­kot ‘yun,” pagkukuwen­to ni Ibyang.

Kamakailan lang ay nasa Amerika si Arjo bilang isa sa mga guests sa tour ni Maja Salvador.

“’Yung pag-Amerika, never kong naranasan ‘yan na nararanasa­n ngayon ni Arjo. Natutuwa ako, Diyos ko! Makikinig na lang ako sa mga kuwento nila kung anong nangyari ro’n.

“Ako ang number one fan nila ngayon. Lagi kong sinasabi sa mga anak ko na huwag tayong mangarap na biglang bida kaagad. Mangarap na maging pulido o solid ang foundation ninyo bilang aktor. Dahan-dahan ninyong abutin ang pangarap ninyo bilang aktor, kasi iyon ang longevity.

“Ang pangarap ko sa mga anak ko kung hanggang kailan nila gustong mag-artista ay nandiyan sila kaysa ‘yung biglang wala kaagad. Natuto na ako like ako na 27 years na ako sa showbiz, tuluy-tuloy naman ako kahit hindi bida, support lang ako at nakakadeli­ver.

“’Yung solid foundation, kasi hindi lang sa acting, pakikisama at pagiging profession­al. ‘Pag nabuo ‘yang tatlong ‘yan hindi ka basta puwedeng ibagsak ng kahit sino. At mage-gain mo ang respeto ng lahat,” mahabang sabi ni Sylvia.

Hindi na humihingi ng tips sina Arjo at Ria sa kanilang ina pagdating sa acting.

“Hindi na, nag-aaral na sila. Pinapakawa­lan ko na sila. May sarili na silang pakpak kaya pinabayaan ko na silang lumipad nang sarili nila. ‘Pag lumapit sila, doon lang ako nagbibigay ng advise unlike before na ganitogany­an ang sinasabi ko sa kanila. Pagdating kasi sa harap ng camera, hindi naman puso ko ang gamit nila, puso nila.”

Kinumpirma rin ni Sylvia na hindi siya stage mother sa kanyang mga anak kung hindi ang asawa niyang negosyante na si Art Atayde.

Gaya ng asawa, negosyante na rin si Ibyang at napuntahan namin ang malaking Beautederm store niya sa Butuan City. Aminado siyang milyones ang inabot ng pagpapagaw­a sa kanyang puwesto pa lang, kaya naman hindi niya ito solo.

Ano ang pinakapabo­rito ni Ibyang sa kanyang mga produkto? “’Yung linen spray nila, ang bangobango. Actually doon ako na-in love. Ang sarap-sarap ng tulog mo ‘pag in-spray mo iyon sa kuwarto at sa bed. May pampa-relax, may pampatulog. Sabi ko nga, ako yata uubos ng paninda ko, kasi binibili ko.”

Ginagamit naman daw ng asawa niya ang Ultra White soap, na isa rin sa bestseller, bukod sa Papaya soap. May creams at toner ito na ginagamit mismo ni Sylvia.

Halos lahat ng napagtanun­gan namin ay mabilis daw ang return of investment (ROI) sa nasabing franchise, dahil mabenta at higit sa lahat aprubado ng Food and Drugs Administra­tion (FDA).

 ??  ?? Arjo
Arjo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines